Chapter 3 ( Deja' vu )

49 5 0
                                    

Death's P.O.V.

Shocks ang aga ng gising ko! Tumayo na ako sa kama at inayos ang hinigaan ko kahit tamad na tamad pa 'ko. Ayoko ng magulo.

Nang pababa na 'ko sa hagdan, natigilan ako sa masarap na amoy galing sa kusina. Uhhmm pang-lunch ang niluluto nito. Pero okay lang basta Adobo!

Dali dali akong bumaba sa hagdan para makakain. Gutom na talaga ako. Ewan ko ba!

"Good morning...." masaya ko'ng bati sa nagluluto pero humina ang huling word na sinabi ko dahil nakita ko kung sino ito.

"Good? 'Di pa nga luto, Good na?" sabi ng ugok na 'to sabay tingin sa'kin at ngumisi. Tsk yabang!

"Okay na 'yan. Gutom na 'ko." walang gana ko'ng sabi sa kanya at umupo na sa dining table.

"Ahm...I think kailangan mo munang magbihis." sabi niya ng nakatalikod sa'kin.

"Why do---Holy Jolly!" sigaw ko dahil pagbaba ko ng tingin sa suot ko ay nagulat ako. Naka-short ako ng sobrang iksi at nakasando ng fit! Kaya nagmadali akong tumakbo para magbihis. Pero bago ako umalis nagkatinginan kami at tumawa ng piit ang ugok! Sabay takip sa mata na parang may nakitang malaswa kaya binato ko siya ng Tsinelas ko.

"Aray!" bulls eye! *insert smirk*

************

"Pray muna tayo." anyaya ko sa magkapatid. Tumaas ang kilay ni Lexi na ipinagtaka ko pero nag-sign of the cross din naman siya. Hindi ko na lang pinansin.

Pagkatapos nun kumain na kami. Ang awkward naman dito, nakakapanibago. Wala kasing naguusap. Sabagay 'di naman kami madaldal ni Jas, siLexi lang. Pero bad mood ata. Psh baka meron 'to ngayon.

Psh hayaan ko na nga siya.

**********

"Sure ka ba'ng papasok ka pa Ashe?" pagaalalang tanong sa'kin ni Lexi.

"Nandito na tayo." sabi ko dito at nagpatuloy na sa pagpasok sa gate ng school namin. Nakasunod naman si Lexi sa'kin.

"Ashe sure ka talaga?" tanong na naman ni Lexi pero 'di ko siya sinagot. Binuksan ko lang ang pinto ng room namin at pumasok. Ang kaninang maingay na room ay biglang tumahimik pag-pasok namin. Okay di parin sila nakakapag-move on sa nangyare sa party. Tsk

Tinititigan nila ako na 'di ko malaman ang nasa loob nila. What's with that stare?

Umupo na lang ako sa upuan ko at pinanood ang Favorite anime movie ko sa cellphone na 'Charlotte'. Ramdam ko parin ang matatalim na titig ng mga kaklase ko sa'kin. So I decided to speak loudly and clearly.

"Staring is a Crime my Dearest Classmates." yep, staring is a crime for me. Bumalik na ako sa'king ginagawa
Natameme naman sila pero may nagsalita ng 'di ko inaasahan.

"Ipapakulong kita." rinig ko'ng sabi ni---I don't know who he is at ng tinaas ko ang ulo ko, nakita ko na nakatingin ito sa'kin.

"K." 'yon na lang ang sinabi ko. As if he can do that. At nginisian ko siya. Oh siya nga pala 'yong tanga na 'Ayaw' na daw mabuhay pero takot naman mamatay tsk. Baliw ka na Kuya.

*Boogsh*

"Good morning Miss Madrigal!" sabay sabay na bati ng mga kaklase ko. Tumayo lang ako pero 'di ako nagsalita. Nakakatamad magsalita.

"Okay Good morning class. You may now take your seats." masayang bati nito at umupo na kami.

"As I said yesterday, we will be having a long quiz about the topic i discussed. So bring out your Quiz notebook then answer this." sabi niya sabay flash ng first question sa white screen.

City of Mysteries and Death (On-going) Where stories live. Discover now