Death's P.O.V
"WAAAAAHHHHHH!!" sigaw ko dahil maba-bangga na ang bus namin! Bigla akong napa-mulat ng mata. Huh? B-bakit nasa isang kwarto ako? At pamilyar sa 'kin ang kwartong 'to ah. Inikot ko ang tingin ko sa apat na sulok ng kwarto. Nanaginip lang ako?
*BLAAAGGH!!*
"Miss death! Ano po'ng nangyare sa inyo?!" biglang may pumasok na isang babae sa kwartong kinalalagyan ko na nakasuot ng damit, pang-maid? Lalong kumunot ang noo ko.
"Sino ka?" tanong ko sa kanya. Halata ko sa mga mata niya na kinakabahan siya.
"Ho? S-sanny p-po." nauutal niyang tugon habang nakayuko.
"Nasaan ako?" tanong ko. Siya naman ang napakunot ang noo.
"Nandito po k-kayo sa k-warto niyo M-miss death." when will she stop stuttering? Tss.
"No. I mean 'yung exact place. Nas'an ako?" tanong ko ulit at napatango naman siya sabay bulong ng 'Ahh'
"Nandito po kayo sa---"
"Sanny, ako na bahala dito. Lumabas ka na muna." may bigla namang pumasok na matandang babae. Teka, pamilyar din siya.
"Miss death, nandito po kayo sa loob ng kwarto ng bahay ng parents niyo sa Baguio." wika niya habang malalim ang tingin sa mga mata ko. Baguio? Daef.
"Huh? Paano ako napunta dito? Sino ka? Nasaan si Mom at Dad? Nandito ba sila?" sunod sunod kong tanong sa kanya at napasandal na 'ko sa head board ng kama.
"*chuckles* Easy Miss Death. Isa-isa lang, mahina kalaban e." sabi niya. Umupo naman siya sa gilid ng kama.
"Sorry." napapahiya kong tugon. Tumingin ako ng diretso sa mata niya. "Sino ka ho?" tanong ko. Nginitian niya naman ako.
"Nakalimutan mo na talaga kami..." bulong niya. Lumungkot 'yung mata niya sa binulong niyang hindi ko narinig.
"Ano po 'yon?" tanong ko.
"Ah wala wala. *smile* Ahm ako nga pala si Manang Liza." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Pati pangalan niya pamilyar sa 'kin. Napatawa na naman siya ng mahina nang mapansin niya siguro na napakunot ako ng noo.
"Lola liza na lang Miss death." nakangiti niyang sabi. Hindi ko alam pero napangiti din ako.
"Ahhm L-lola Liza? Nasaan po si Mom and Dad?" tanong ko sa kanya.
"Sa totoo lang, hindi ko masasagot ng maayos ang tanong mo. Mahigit isang buwan na rin kasi namin silang hindi nakikita. Ang alam namin ay nasa trabaho lang sila." paliwanag niya. Napakunot na naman noo ko. Mahigit isang buwan? Isang buwan? Ang bigat ng pakiramdam ko 'pag sila na ang pinag-u-usapan. Masama din ang kutob ko dahil na din sa picture na nakita ko sa condo ni Dad.
"Ahm. Lola liza, ano po'ng nangyare bago ako napunta dito at sino po ang nagdala sa 'kin sa lugar na 'to?" seryosong tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa mata niya at gano'n din siya sa 'kin.
"Hanggang ngayon, wala kaming impormasyon kung paano at sino ang nagdala sa inyo dito. Nang araw kasi na 'yon ay may biglang nag-door bell at nakita ka na lang namin sa labas ng gate na duguan at walang malay kaya pinasok ka agad namin dito sa loob. Si Sanny ang nag-gamot sa mga sugat mo. Nag-padala rin pala ng sulat ang mommy mo no'n at nakalagay sa sulat na 'yun na 'wag na 'wag ka naming dadalhin sa ospital kaya ayon ang ginawa namin. Hindi namin alam kung bakit ganito katagal ka nawalan ng malay. Nagpapasalamat nga ako sa------" pinigilan ko siya.
YOU ARE READING
City of Mysteries and Death (On-going)
Mystery / ThrillerA City where elimination is licit. A City where unwary is an offense. A City where wizardry exist, but not those magic that you all know. A City where tons of mysteries are concealed.......and only one person can expose it. A City that will make...