Ashe's P.O.V
9:20am. I am twenty minutes late because of that man!
Pagka-pasok ko sa room namin sa second class ay nanahimik ang lahat. Bago na naman ang teacher. Nakatingin lang silang lahat sa akin. Kaklase ko pa din pala dito sila Lexi.
"Welcome to our school newbie." Sabi ng teacher at pina-punta na ako sa unahan. Okay magpapa-kilala na naman.
"I'm Dead." Wika ko.
"Hindi ka namin kinakausap." sabi ng isang babae at nagtawanan naman ang iba. Pumihit ako paharap sa kanila at tiningnan ko 'yung babaeng nag-salita. Tinaasaan niya ako ng kilay na sinuklian ko lang ng walang ganang tingin.
"Hindi ko rin kayo kinakausap." Tumigil naman sila sa pagta-tawanan. Tiningnan ko 'yung babaeng nag-salita kanina at nginisian ko siya. Tumingin ako kay Ma'am, tumango naman siya sa 'kin at tinuro ang u-upuan ko.
Bago pa ako maka-upo ay nag-salita na naman 'yung babae.
"E sino kinakausap mo? Multo? Hahahaha!" sabi niya at nag-tawanan na naman ang mga babae na kasamahan niya ata. Nakatingin naman sa 'kin ang mga lalake.
"Hindi," nilagay ko ang bag ko sa bakanteng upuan na katabi ng uupuan ko. "Si ma'am." Sabi ko, sabay upo. Bigla namang nag-sigawan ang mga ka-klase kong lalake ng 'Burn' at 'woah' pero 'di ko na lang sila pinansin. Napatingin kami lahat kay ma'am nang hampasin niya ng hawak niyang stick ang table niya.
"Sshhh! Quiet! Kirsten, ganyan ba ang itinuro ko sa inyo na pag-greet sa new student?" Tanong niya doon sa babae kanina na kirsten pala ang pangalan.
"Tsk. Whatever." Pagta-taray niya at nag-hair flip pa. Lumapit naman sa kanya si Ma'am at may binigay na papel na ikina-laki ng mata niya.
"Why?!" Sigaw ni kirsten at tingin ko ay alam ko na ang binigay sa kanya. Demerit slip.
"Disrespect." Tanging sabi ni Ma'am at nag-lakad na siya pa-balik sa harapan. Nang makarating sa unahan ay nilibot niya ang kanyang tingin na huminto, sa 'kin.
"Dead right?" Tanong niya habang nakangiti. Tumango naman ako.
"I'am Mrs. Buenaflor, your homeroom teacher," sabi niya ulit habang nakangiti. Tinanguan ko lang siya. "At dahil bago ka pa lang naman at mabait ako bukod sa maganda---" panimula niya kaya nagtawanan at nagsigawan naman ang mga ka-klase ko. "Bakit? Totoo naman ah! 'Diba maganda ako dead?" Biglang napa-tingin sa 'kin ang mga ka-klase ko kaya napa-kunot ako ng noo. Bakit sila naka-tingin sa 'kin?
"Dead? Are you with us?" Tanong ulit ni Ma'am and shoot! Ang tanga ko! Ako nga pala si Dead! Aish 'di kasi ako sanay e. Sa-sagot na sana ako nang unahan ako ng isang tao.
"See? Pati si Dead hindi naniniwala Ma'am!" Sigaw niya.
"Ikaw na pala si Dead ngayon?" Tanong ko at nag-sigawan na naman ng kung ano-ano ang mga ka-klase kong lalake. Ang lakas ng trip nila. Tumingin naman ulit ako kay Ma'am na para lang naming ka-klase dahil sa pag-sali niya sa pangungutya sa lalake na 'yon. "Yes Ma'am, you're beautiful." bigla bigla kong sabi. Napa-tigil naman silang lahat.
Maya maya pa ay bigla na lang nag-hair flip si Ma'am ng dalawang beses, mag-kabilaan pa.
"Oha! Oha! Told yah!" Sigaw nito sabay kindat. Nag-tawanan na naman ang mga kaklase ko dahil sa kakulitan ng teacher namin. Hindi mo na rin maiwasan mapa-ngiti.
"Ayy ano ba 'yan! Na-libang ako du'n ah! Nakalimutan ko tuloy 'yung sasabihin ko! Wait, i-isipin ko lang." Sabi niya. Nilagay pa niya ang isa niyang kamay sa ilalim ng baba niya na parang nag-iisip na bata. She looks like a kid.
YOU ARE READING
City of Mysteries and Death (On-going)
Mistério / SuspenseA City where elimination is licit. A City where unwary is an offense. A City where wizardry exist, but not those magic that you all know. A City where tons of mysteries are concealed.......and only one person can expose it. A City that will make...