Hoy! Wag kang ano dyan. Middle finger para sa paglagay ng lip tint, petroleum jelly sa eyebrows para kumapal at eyeshadow para subtle. Char may pa-subtle na ang bakla na nalalaman! Hindi talaga to echos lang mga bes, seryoso ito. Ang middle finger kasi ay light lang ang nabibigay na pressure kumpara sa iba nating mga daliri kaya ito ay mainam sa paglagay ng mga beauty remedies sa mukha mo. Ito rin ang sagot sa iyong kasiguraduhan. Ilagay ito sa kili kili para maamoy mo kung nagkabody odor kana. Bes, mahiya kanaman sa bet mo baka maligaw ng landas. Yung tipong akala mo papunta na sayo kaso nag-iba ang ihip or shall I say amoy ng hangin kayat napunta pa sa iba. Saklaugh nun! Kaya gamitin na ang middle finger every day sa pagpapaganda nga kasi. Charot-charot ka rin eh!