Kung wala kang hinaharap paano na ang future mo? Magmumukhang pader! Isa lang ang solusyon, maglagay ng silicone bra o doblehin ang brief mo! Oh di kaya magpa-surgery ka. Kung ilong moy pango, pwes mag-contour every day. Contour sa cheeks, temple, lower lip and jaws. Pak na pak, Maleficent ang datingan! Mag-wear karin ng dark lipsticks para achieve ang look! Diba naman mga bes, mas attractive ang mga kakaibang color ng eyes. Mag wear narin ng circle lenses para maging mapungay ang mga mata. Tandaan rin na hindi pansinin ang hindi pumupunta sa gym. Mag-gym ka narin para magka-curve o magkamuscle for boys. Ganyan nga, make a minus a plus kaya galaw-galaw na dali, achieve natin ang hips ni Kim Kardashian o ang katawan ni Tanner Mata.