Chapter 4

1.9K 51 1
                                    


Ilang beses na ko bumuntong hininga, ngayon kase ako dadalhin ni Allen sa dinner date nila nung ex niya. Actually it's a double date, they want to settle things and they both want closure about their past relationship.

"Act normal Tiffany, just be yourself" sabi niya sa'kin. As if that helps, mas lalo lang akong kinabahan. Nilingon ko siya at nakita kong ngumiti siya sakin so I did the same at tumango.

I know mahal niya pa yung girl na kikitain namin, I can see it in his eyes, hindi ko lang malaman kung bakit sila naghiwalay, wala namang mali kay Allen. Gwapo siya, matangkad, matalino, mayaman, mabait. Siyempre, ayoko naman makielam at mag tanong pa, hindi naman kami close.

Nakarating kami sa sinabing fine dining restaurant. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko pero si Allen ay parang chill lang.

"Good morning Ma'am, Sir" bati ng staff na sumalubong samin.

Though sanay naman ako sa mga gantong restaurant, I don't know kung bakit hindi ako komportable, maybe because I might compare myself to Allen's ex, hindi naman 'yun maiiwasan lalo na't sabi ni Allen classy woman daw yung girl kaya talagang kailangan ko ipakita sa bago ni gurl na friend ni Allen na may ibubuga rin ako, though acting lang naman 'to.

Naka simple off shoulder red dress ako na nabili ko sa isang mall last week, this is their latest design kaya kahit may kamahalan ay binili ko na. Nag make up lang ako ng simple at nag bun, mabuti nalang din at nawala na ang mga pasa ko sa katawan kaya di ko na kailangan takpan ng concealer ang katawan ko. Di ko na nakita ang magaling kong asawa mula non kaya wala akonh bagong pasa.

Nakaalalay si Allen sa bewang ko, he's leading the way, at maya maya may kumaway saming babae, maganda ang ngiti niya pero ng makita ako ay bahagyang nawala ang tamis ng ngiti at pilit nalang ang ipinakita sakin.

Maganda siya at may katangkaran rin. Siguro ay mag ka height lang kami.

"Let's go?" Sabi ni Allen at inalalayan ako papalapit sa kanila. Nag beso silang dalawa at alangang nakipagbeso rin ako.

Feel ko mabait siya, Allen's right, ang classy niyang tignan at simple lang din.

"Catrina" pakilala niya at inabot ang kamay ko.

"Tiffany" nagkamayan kami at nagngitian. She's so gorgeous, tama nga ang pagkaka-describe sa kanya no Allen. Nakakapanliit, pero bagay sila, sayang naman.

Umupo na kami at nagsimula ng lumapit ang waiter na may hawak na menu.

"Where's Brent by the way?"

Brent? Napahinto ako sa pagpili ng marinig ko yun.

I remember my ex ka MU na bigla nalang nag disappear for an unknown reason, matagal din akong makamove on nun at nalaman kong umalis siya ng bansa, but then dalaga pa naman ako noon at nakamove on rin ako kalaunan.

"He'll be here in a minute, Brent's so busy as usual, forgive him for me" nakangiting sabi ni Catrina na parang normal nalang sa kanya ang makausap si Allen na walang ilangan.

"Sorry, I'm late" nagulat ako ng marinig ang tinig na yun. Time passed by but I can still remember his voice.

What a freaking small world, this guy and I used to date!

"Hey dude" bati niya kay Allen at nag fist bumb sila, very informal, friends daw sila e?

Napalingon siya sa'kin at halatang nagulat din, act normal sabi ni Allen kaya ayon ang ginawa ko. I smiled at him at ngumiti din siya kahit na gulat parin.

"Y-Your new girl?" Tanong niya kay Allen.

"Yes. Babe this is Brent, Brent my Girlfriend, Tiffany" pakilala ni Allen samin.

Pinanindigan niya talaga 'yung Babe ah? I want to laugh, kahit na wala akong attraction na nararamdaman para kay Allen ay kinilig pa rin ako. I'm fangirling.

"Hi Brent" masiglang bati ko sakanya. Gulat pa rin siya ng makumpirma na ako nga ang Tiffany na nakilala niya noon.

"What a small world Tiffany, I missed you" sabi niya na parang wala kaming kasamang iba. I felt suspicious nang sabihin niyang miss niya ako, was that a right thing to say in front of your girlfriend? I don't think so.

Tinignan naman kami ni Catrina at Allen na parehong clueless.

"You know each other?" Takang tanong ni Catrina.

"Yes, we used to be highschool lovers, I courted her but things didn't work, the rest was history" kwento niya.

Tumango naman si Allen. Alam kong nagulat din siya, ako rin naman.

Umorder na kami at kalauna'y dumating din ang order namin.

"So babe, you want this?" Tanong sakin ni Allen out of the blue. I was surprised, nakalimutan kong aarte nga pala kami. Hindi ako nakapagreact agad, masyado akong naka-focus sa pagkain.

"Uh. Yea sure" nilagyan niya ko ng beef na pinaghihiwa niya.

Grabe pang oscar talaga tong si Allen.

"So, how's life?" Tanong ni Brent.

"I'm doing well" pormal na sabi ni Allen.

"I heard that you're one of the well known successful businessmans, Troy's Squad?" Sabi nito.

The whole time sila lang ang naguusap, sumasagot lang ako pag ako ang tinatanong. Nag excuse ako at nagpunta sa restroom.

Paglabas ko ng cubicle nagulat ako na naroon si Catrina, nginitian niya ko and I did the same.

"Do you mind if i ask you something about Allen?" Sabi niya.

Kinabahan ako, not because natatakot ako sa kung anong gagawin niya, kinakabahan ako sa kung anong itatanong niya kase honestly wala naman akong alam kay Allen.

"No Problem" sabi ko naman.

"Is he really doing fine? I mean. It's been a long day since last kaming nakapagusap. To be honest di ko naman gustong iwan siya, i wanted to stay pero parang wala namang rason para mag stay pa ko sakanya. He never stopped me to leave, he let me leave him. I was hurt that time, gusto kong ipaglaban niya ko kay Dad but he never did, hinayaan niya akong ma engage kay Brent. As the time passed by i learned to like Brent, but in me, i know it's still Allen, up until now"

Malungkot siyang ngumiti ng pilit. Grabe naman pala ang love story nila. Nagmamahalan sila sa maling pagkakataon. What a life. They love each other but seems like destiny has it's way to tear them apart.

"I-Im Sorry, masyado ata kong naging madaldal" pagpapasensya niya. Sa totoo lang naaawa ako sakanya.

"No it's okay. About Allen, he's doing well. Masungit lang kung minsan pero pag ngumiti siya at tumawa you will treasure that moment because it's really rare" natawa naman ako sa sinabi ko at natawa din siya.

"I'm glad he found someone like you" sabi niya. If only you know Catrina.

"Uhm. Let's go?" Sabi ko at sabay kaming lumabas na parang close na talaga kami.

Pag dating namin ay andun ang dalawang lalakinh nagsusukatan ng tingin. Nagkatinginan kami ni Catrina, parang wala lang sa dalawang ito ang presensiya namin.

Tumikhim si Catrina dahilan para mapalingon sila.

"Come on Babe, mauna na tayo" sabi no Allen

"But---

Magsasalita pa sana ko ng hawakan niya na ko sa braso at hinila na ko.

Ngumiti nalang ako kay Brent at kay Catrina na malungkot na nakangiti.

Hays. Nakakinis tong si Allen mahal siya ni Catrina pero di niya ipag laban. Hays.

Facing Fears Where stories live. Discover now