Chapter 23

1.2K 28 4
                                    

Isang linggo na rin ang nakakalipas pero hanggang ngayon hindi pa rin ako mapalagay. Sa isang buwan lang ay para akong hinahabol ng nakaraan. Una si Catrina, sunod ay si JC. Ano bang nangyayari at ang mga tao sa Pilipinas ay naglalagi sa New York?

"Mommy can we call Papa?" Zain asked.

Isang linggo na rin mula ng magkausap kami ni Angelo, hindi ko alam kung nakarating na ba sakanya na andito si JC pero palagay ko ay alam niya na, given the fact that JC is from Troy's squad at kada bakasyon nila sa ibang bansa ay interesadong interesado ang media.

Ilang months na rin ang nakakalipas ng huli akong mag online sa social media accounts, I don't follow media personnels and my account is on private, pero pag online ako hindi nakakatakas ang mga news patungkol sa mga influencial na tao sa Pilipinas, and that includes JC, hindi ko naman binabasa dahil hindi ako interesado at ayoko nang magkaroon ng koneksyon sakanya sa kahit anong paraan.

"Your Papa said he'll call right away pag di na siya busy" paliwanag ko. lumapit ako kay Zain at lumuhod para magpantay kami.

Malapit na ang kaarawan niya at balak kong ipagdiwang 'yon sa Pilipinas dahil kinukulit na rin ako ni Mom.

"Okay Mommy" nakangiting sagot niya.

"Mommy, can I ask?" magalang na paalam niya

"Sure baby, anything, just not math" I joked. Natawa rin naman siya at biglang naseryoso na parang may malalim na iniisip

"Why is Papa called Papa, and not Daddy when I call you Mommy?" dirediretso niyang tanong. He looks really bothered, kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan.

Natigilan ako sa tanong niya, I tried my best to gather my thoughts well.

"Well, you learned to call him Papa when you're still a baby kaya hinayaan na namin na ganon" sabi ko at ginulo ang buhok niya. I smiled at my little one.

Just when I thought he's done asking, but I guess kids at this age are naturally curious.

"Mom, where's my real Dad?"

Natigilan ako.

Alam kong alam niya na hindi si Angelo ang totoo niyang ama dahil noong mas maliit pa siya ay nababanggit niya ang daddy niya.

Matalino si Zain, alam ko ring iniintindi niya ang set up namin ni Angelo at tinanggap niya iyon.

"W-Why, baby?" tanong ko habang kinakabahan.

Ngumiti siya at niyakap ako.

"Mommy, I'm not a baby anymore. I'm turning 7, it's okay if you don't want to talk about my real Dad. My teacher said, some families are not like the others and I understand Mommy. I just want to know my Daddy" sabi niya.

Napatakip ako sa aking bibig sa narinig sa sarili kong anak, at tuluyan nang humangulngol habang yakap siya.

♧♤♡

JC

"What the fuck?, I thought you were dead" it's Troy talking to Jio for suddenly appearing after years of disappearance.

"I wish" Allen commented.

Nasa isang club kami, in our VIP room, to be specific. Hindi naman matagal bago kami ulit nagkasama-sama, sadyang ngayon lang nakasama ulit si Jio dahil sa trabaho niya na naintindihan naman namin.

Ilang linggo na rin mula ng bumalik ako sa Pilipinas, I smirked as I felt my body reacting with the thought of her moaning my name.

Binato ni Jio si Allen ng chips
"Fuck you! Delimore"

Facing Fears Where stories live. Discover now