Part 1 (Her POV)

764 19 102
                                    

Part 1 (Her POV)

~~~

♪ Heto ka na naman kumakatok sa 'king pintuan

Muling naghahanap ng makakausap

At heto naman ako, nakikinig sa mga kwento mong paulit ulit lang

Nagtitiis kahit nasasaktan ♪

I'm Devy. Inlababong tunay. Kasalukuyang tulala at nakikinig sa paborito kong kanta..

♪ Ewan ko bakit ba hindi ka pa nadadala

Hindi ba't kailan lang ng ika'y iwanan niya

At ewan ko ba sayo parang balewala ang puso ko

Anu nga bang meron siya na sa akin ay di mo makita ♪


"Kung ako na lang sana ang yong minahal, di ka na muling mag-iisa. Kung ako na lang sana ang yong minahal, di ka na muling --"

"Ano ba yan Train, ganda ganda ng kanta tapos bigla kang sasabay. Nasisira yung melody e." sabi ko sabay patay nung mp3 ko.

"Eh ikaw naman kasi Devy. Yan na lang lagi yung pinapatugtog mo. NakakaLSS kaya."

"Pake mo ba. Kanya-kanyang trip yan."

"Asus.. AMININ.. Na friendzoned ka no? Ganyanan pala tayo e. Usong magshare Devy.."

"Makapagsalita ka naman dyan!! Bakit? Sinagot ka na ba? Mahal ka na ba?"

"Nino? Ni Mara?"

"Wew. May iba pa ba? Tss. Hindi lang ata si Mara nililigawan mo e."

"Baliw. Siya lang no."

"Oo na lang."

"Hay nako Devy. Ganyan ba pag walang lovelife? Maghanap ka na nga ng iyo."

"Hindi yan hinahanap. Iniintay yan kasi kusa yang dadating."

"Oo na lang."

"Gaya-gaya."

"Oy hindi ha. Ako may lovelife. Ikaw wala. Nye nye nye. Gaya-gaya ka dyan."

"Wag na. Hindi ko kailangan nyan. Pampagulo lang yan ng buhay."

"Hahaha. Pero Devy, mahal ko na talaga si Mara. Sana sagutin na niya ko."

"May pag-asa ka ba?"

"Oo yata."

"Weh?"

"Oo nga."

"Pano mo nasabi?"

"Eh.. Kasi ano.. Sweet siya sakin.. Ayun."

"Porke sweet sayo? May pag-asa na agad? Paano kung sadya lang siyang ganun?"

"Ewan ko. Pinaparamdam niya kasi."

"Ahhhh. Ok. No comment."

Yung lalaking kausap ko, ang pangalan niya ay Train. HINDI KAMI MAGBESTFRIEND. We're childhood friends. WE'RE ONLY CHILDHOOD FRIENDS.

Matagal na kong inlove sa kanya. Hindi ko alam kung alam niya kasi di ko naman sinasabi. Tsaka manhid siya. Ayoko din namang malaman niya kasi baka iwasan niya lang ako pag nagkataon.

"Hays. Buti ka pa. Nakikita mo lagi si Mara. Ako hanggang text lang e. Minsan ko lang siya nakakasama. Hays. Nakakamiss talaga si Mara."

"Ganyan talaga ang buhay. Sige ha. Uuwi na ko samin. Babush."

Ayoko Lang Masaktan Ka (Short Story) [ON EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon