Prologue

462 15 0
                                    

Simula

"Bungi!" Zaia looked back para lamang makita ang kaklaseng si Clide na nakalagay ang mga kamay sa magkabilang pisngi at binebelatan sya. Mukhang masayang masaya ito dahil nakikita nya mula sa kinauupuan ang malalalim nitong biloy.

Muli syang tumalikod at tinuloy ang pagsusulat sa writing notebook nya. She's a Grade 1 student at magkaklase sila ni Clide. Lagi sya nitong tinutukso dahil sa absent daw palagi ang dalawang ngipin nya sa una. Hindi nya na lamang pinapansin gaya ng sabi ng ina nya, pero kung minsan ay talagang sumusobra na si Clide.

"Pssst... Uy, bungiii..." Napatigil sya sa pagsusulat dahil sa pagtusok ng kung ano sa tagiliran nya.  Nakikiliti sya kaya kinailangan nyang itakip ang maliliit nyang kamay sa bibig nya para hindi gumawa ng ingay. Muli nyang nilingon si Clide. Matamis itong nakangiti sa kanya hawak ang isang lapis na puro kagat ang dulong bahagi.

"Ang kulit mo..." Bulong pero may gigil nyang saad.

"Naiinip na ko. Gusto ko ng mag recess..." Pabalik na bulong nito sa kanya.

"May pinapagawa pa si Teacher, tapos ka na ba?" Kinunutan nya ito ng noo at sinulyapan ang guro na abala sa ginagawa sa lamesa nito. Tiningnan din nya ang class president nila na mukhang hindi naman napapansin ang bulungan nila ni Clide. Ayaw na ayaw ni Zaia na malista sa noisy.

"Oo. Tingnan mo?" Iniabot sa kanya ni Clide ang writing notebook nito. May kulay pink na star sa cover niyon, si Patrick ng Sponge Bob. Halos lahat ata ng notebook nito ay pare-pareho. Consistent at loyal kay Patrick Star.

Pakakasalan ko si Zaya.
Pakakasalan ko si Zaya.
Pakakasalan ko si Zaya.

Nanlaki ang mga mata nya ng buklatin ang writing notebook, dalawang pahina na iyon lamang ang nakasulat taliwas sa Mary had a little lamb na ipinasusulat ng guro nila.

"Mali. Mali." Umiling iling sya kay Clide. Mali ang ginawa nito kaya huli na naman syang lalabas sa klase. Saka sino ba si Zaya?

"Pag laki ko." Binawi nito sa kanya ang notebook at ibinalik sa desk.

"Ha?" Nagtataka nyang tanong dito.

"Pag laki ko, pakakasalan kita." Malaki ang pagkakangiti nito at hinawakan pa ang kamay nya.

"Ang bad mo!" Tinampal nya ang kamay nito at pinanlakihan ng mata.

"Bakit? Hindi kita pwedeng pakasalan?" Sinimangutan sya nito at binawi ang maliit na kamay.

"Eh I kasi yun hindi Y. Zaia. Z-a-i-a. Zaia." Isinulat nya pa iyon sa hangin para lamang ipaintindi sa kausap.

"Eh magkasound pa rin naman. Saka 'pag laki ko, ikaw lang naman pakakasalan ko."

Paulit ulit iyon, araw araw sa klase, kakalabitin sya ni Clide para lang sabihin na magpapakasal sila pagkatapos ay ngingiti ng pagkatamis tamis. Ganon ang laging nangyayari hanggang sa mag Grade 2 sila, hanggang sa lisanin ng pamilya ni Zaia ang Pilipinas.

And maybe that's the reason why Clide Jerkinns is a jerk. Maybe he's still waiting for his bride. Maybe it's Zaia who can tame the jerk-est jerk in town.

---

How To Tame A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon