2

229 11 0
                                    

Clide


"Happy birthday pare!" Inakbayan ko ang walang'yang si Board ng makarating ako sa bahay nila.

"Salamat 'pre. Tngina ang bilis ng panahon, dese otso na ako. Tsk." Umiling pa sya habang may nakakalokong ngisi sa labi.

"Gago! Taon taon na lang dese otso ka ah!'" Itinulak ko sya palayo and raised my middle fcking finger.

"Sige na, oo na. Bente uno na ko. Lupit mo eh!" Nagkamot pa sya sa batok nya na akala mo, iyong sinabi nya ay ang pinaka totoong bagay sa mundo.

"At ano, debut mo?! Lul! Kwarenta ka ng hayup ka ah!" Kumuha ako ng shot sa mesa sa gilid at hinanap ang bulto ng mga gago kong kaibigan.

"Panira ka rin eh! Hanapin mo si Alexus kayo ang mag usap. Gago!" Iniwan na nya ako at umakbay sa isang chikas na napadaan.

Madilim na pero maliwanag pa rin sa bakuran ng gago. Pool party pala ang tema. Ang talino lang talaga, gustong makalibre ng tanawin eh.

"Alexus the fcker!" Nang makita ko sya ay agad ko syang hinila palayo sa grupo ng mga kababaihang nakaupo sa gilid ng pool.

"Oh ba't ikaw lang, asan si Knight?" Kumaway pa sya bago ako tuluyang sinundan. Marami rin naman akong nakikitang pamilyar na mga mukha, mga napaligaya ko na at hindi pa pero talagang nandito lang ako para batiin si Board.

"Malay ko dun. Si Chans, dumating ba?" Tanong ko.

"Oo kanina, dumaan lang. Bitbit yung anak eh. 'Tas tngina may bitbit na bag, puros diaper at gatas. Wtf!" Humagalpak sya ng tawa kaya nagtinginan sa gawi namin ang iba pang bisita.

"Kj ang pota!" Nailing na lang ako at humagilap ng isang chikas na dumaan. Sht lang, hindi ko ata mapapangatawanan na dadaan lang ako.

"Mae." Bulong ko sa tainga nya. Ang laki naman ng ngisi ng gagong si Alexus at kinindatan pa ako.

"C-Clide." Nilingon nya ako kaya halos konti na lang ang pagitan ng mga mukha namin.

"I think I prefer babe. Balita ko, hiwalay na raw kayo ni Tyrone ah?" Bulong ko sa kanya. Mas hinapit ko pa sya sa akin hanggang sa maramdaman ko ang dibdib nya sa dibdib ko. Basa sya but she feels warm.

Mae is a walking temptation, she's a one hella hot woman. Matagal na namin 'tong pinupunterya eh, kaso may boyfriend. Pero nung isang araw naghiwalay na raw balita ko. Tyrone cheated. Icocomfort ko lang naman si Mae.

"CO lang kami Clide. H-indi pa kami hiwalay." Sagot nya at bahagyang lumayo sa akin. Tumaas ang kilay ko sa sinabi nya.

"CO? Oh di break na nga kayo, Calandian Over na eh." Itinulak ko na palayo si Alexus ng mapansin kong kanina pa sya nakatambay para manuod. Tngina sinisira nya ang diskarte ko eh.

Bumaling ulit ako kay Mae at ngayon, tumatawa na sya. Tngina bakit?

"Cool off Clide. Cool off lang kami, hindi pa kami break." Nag iwas sya ng tingin, habang ako naglakabay ang tingin sa kabuuan nya. Nakasuot sya ng ternong dilaw na two piece, at pare, bakat, dahil siguro sa basa na sya. Tngina, Kapitan kalma ka dyan.

"Magbe-break din naman kayo." Ngisi ko pero inirapan nya lang ako.

"Mahal ko si Tyrone, gagawin ko lahat para sa kanya." Tapos tinalikuran nya na ako. Wala akong nagawa kundi ang mapasipol na lang. Ngayon lang ako tinanggihan ah. Swerte si Tyrone sa kanya.

Lumabas na lang ako dahil nakakabad trip ang pangit na mukha ni Alexus. Pupuntahan ko na lang siguro si Knight sa university, dun na lang ako hahanap ng chix.

How To Tame A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon