1

262 13 1
                                    

Clide

Tnginang buhay 'to! Pebrerong Pebrero tigang ang lablayp ko. Imagine, sa libong babaeng nagkakandarapa sa akin, hindi ako makapili kahit isa. Ang hirap mamili sa mga putahe, kapag lahat paborito mo. Kapag pinili ko si Ana, magseselos si Dana, mag aaway sila. Tngina lang diba?!

"Hoy shot ko na!" Inagaw ko kay Alexus ang baso at inistraight iyon ng inom. Ang buraot talaga ng isang 'to, shot ko na kinakanya pa. Nailing na lang sya sa akin saka ulit nagsalin ng isa pa.

"Si Chans, pupunta ba?" Tanong nya bago iabot sa iba pa naming kasamahan ang baso.

"Malabo. Ander de saya ang pvta." Sagot ko bago dumukot ng yosi sa bulsa ko. Hindi talaga kompleto ang barkada kapag wala si Chans, kingina lang kasi nun, nag asawa lang aba't hindi na nagpapakita.

"Gatas na ang iniinom nun ngayon." Singit pa ni Board habang hinihimas ang hita ng chix nya. PDA lang ang gago! Ang bagal, kung ako yun, humihiyaw na siguro ang babaeng yun ngayon, malas lang kay Board napunta.

"Bakit breastfeed ba?" Natawa na lang kami sa banat ni Alexus. Sabagay, kung ako si Chans at breastfeed din ako, baka nga hindi na ako mapadpad sa bar at tumaong bahay na lang. Ang sarap lang ng tawa nila.

"Eh si Knight?" Tngina lang, ba't ba lahat ng wala rito hinahanap ni Alexus? Bading ata ang hayup na 'to!

"Nasa University, kumakain ng papel." Busy ang isang iyon sa pagmamanage ng Daiamondo University, akala mo naman ikagwagwapo nya yun, ikatatanda kamo.

Originally, lima kami. And obviously si Chans at ang magaling ko lang na pinsan ang nawawala.

"Sayaw lang ako." Maya maya'y tumayo si Alexus at nagdiretso sa dance floor. Binalingan ko ang katabi nya at napaismir na lang. Siguro'y hahanap din yun ng chix nya dahil halos maghubaran na ang dalawang ito sa tabi nya.

"Ikaw Clide, di ka kukuha ng sayo?" Nilingon pa ako ni Board habang panay ang halik ng babae sa leeg nya. I see, he's getting laid tonight. Sabagay, gabi gabi naman.

"Mamaya na 'pre 'pag lasing na yung isa." Itinuro ko sa kanya ang chix na ngayon ay hataw sumayaw sa dance floor. Hanep lang ang katawan. Ang ikli ng shorts kaya konting yuko lang kita na ang kweba. Manipis ang damit at mababa ang neckline kaya konting yuko lang kita na ang bundok. Tngina lang, dalawang bundok at kweba, paraiso na agad!

"Ah si Drixie. Goodluck pare, wild yan!" Tumawa pa sya.

"Bakit natikman mo na?" Nangunot ang noo ko. Mukhang naunahan na ako ni Board sa Drixie na yun ah.

"Oo 'pre, ingay nga, pero sulit, palaban." Ngumisi pa sya sa akin at pinanggigilan ang babaeng ngayon ay nasa kandungan na nya.

Hindi ko na muling nilingon pa si Drixie. That's my principle. Kapag natikman o nalawayan na ng tropa, ayoko na. Walang talo talo. Ang akin ay akin lang, at kanila, edi kanila na.

"Una na ko!" Pinatay ko ang sigarilyo ko sa lamesa at tumunga ng isa pang shot bago tumayo.

"Oh? Ba't ang aga, wala kang napili?" Nilingon ulit ako ni Board.

"Syempre meron." Nginisian ko sya at tinuro ang babaeng umiinom sa counter.

"Sa makalawa ah, debut ko, punta ka." Bilin ko bago ako umalis. Tnginang yan, tatanda na naman ako sa banda bandar'yan.

How To Tame A JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon