Clide
Inisang lagok ko ang alak sa baso ko nang makabalik ako sa pwesto namin. Wala na akong ganang sumayaw. Kanina pa akong uminom pero wala akong maramdamang tama ng alak. I can taste its bitterness but never its wild effect on me like before. Para na lamang iyong tubig na dumadausdos sa lalamunan ko.
"Ayaw ka na?" Kunot noong tanong ni Alexus at naupo di kalayuan sa akin, sa U shape na sofa ng bar. Malawak ang pwesto namin, marami rami rin naman kaming kasama, Board and his girls, Alexus and his girls, at iilang kaibigang bumabati.
"Wala kang chix ah? Wala kang tipo?" Inalok nya ako ng bote ng beer pero tinanggihan ko iyon. I don't like it here, honestly. Napilitan lang akong sumama sa kanila dahil wala akong magawa sa condo. Ayoko na rin naman sa mansyon ni Chans, dahil nung huling punta ko roon, sinabon lang ako ni Amara tungkol sa pagmumura nina Ise at Euan. Puta kasalanan ko ba yun?!
"Tss." Inilibot ko ang mata ko sa dancefloor. Dati naman gustong gusto ko rito, pero ngayon para na lamang akong nawalan bigla ng gana. And I don't fucking know why! Parang may iba nang hinahanap ang sistema ko na hindi ko naman maintindihan.
"Pasensya ka na roon sa kay Patrick, hindi ko inasahan na magiging agresibo sya ng ganun. Tsk." Iling nya at inabutan ako ng stick ng yosi. Tinanggap ko naman 'yon at pinaglaruan sa kamay ko.
Hindi ko na sinagot pa ang sinabi nya. K admit, may kasalanan din ako sa nangyari, I was labelled as the black sheep of my family kahit pa nag iisang anak lang ako. Sanay na ako sa ganoong sitwasyon. I just, I just felt the irritation nang sa harap harapan ko iyon sinabi, in front of Zaia, na siguradong walang alam sa akin sincethey migrated when she was young. The hell I care! Kelan pa ako nagkaroon ng pakealam sa reputasyon ko? Gaguhan.
"Oh! What's with the aura? Ba't ang tamlay nyo?" Tanong ni Board nang datnan nya kami habang may kaakbay na dalawang babae sa magkabila nya.
"Yosi lang ako." I stood up at hindi na inantay pa ang sagot nila. I made my way out of the bar. May iilang pinigilan ako and wanted to dance pero tinanggihan ko silang lahat. Kung may gusto akong kasayaw, hindi sila iyon. Tsk.
Pag labas ko may nakasalubong pa akong iba pang mga kakilala na kadarating lang. Tumabi ako at dun sa medyo madilim na bahagi nagsindi ng yosi. Puta! Kelan pa ako napagod sa ganitong buhay? Mom knew about my vices. Hindi nya man ako sinasaway pero alam kong tutol sya. Dad disowned me two fucking years ago. He wants me to be the CEO of his fucking company pero hindi nya pa rin maintindihan that I don't have the effin' passion about business. I'd rather invest and watch my money double or triple its value. I don't want to be called bachelor.
Mas gusto ko iyong magsisimula ako sa wala, I want to excel in my own field, using my own skills. Ayokong purihin at malagay sa pedestal just because I am a Jerkinns. I don't care about my family's wealth and riches, sa kanila iyon, hindi akin. At yun ang hindi makuha ni Dad, he never listened to my point anyway.
"Ugh!"
Napalingon ako sa mas madilim na bahagi ng parking nang may marining akong impit na boses na parang nahihirapan. Itinapon ko ang hindi pa nangangalahting stick ng yosi at inapakan para mamatay.
I walk towards the direction where I heard the noise. Hindi pa man ako nakakalapit ay may agad nang kumalabog. I quickly searched for my phone in my pocket at binuksan ang flashlight noon.
"What the fuck." Naibulong ko na lang nang may makita akong babaeng iniuumpog ang sarili nya sa hood ng isang kotse.
"Hey Miss, are you alright?"
I ran towards her at agad sinalo ang ulo nya when she attempted to bang her head again. Mainit sya and she smells like alcohol. Nawalan din sya ng balanse kaya kinailangan ko syang alalayan sa bewang nya. She trusted me her full weight at hinayaan akong akayin sya papunta sa tabi kung saan may liwanag.
BINABASA MO ANG
How To Tame A Jerk
General FictionDo you believe that it only takes one woman to tame a Jerk? Not your ordinary jerk. A Jerkinns.