Marami akong pangarap,una sa lahat gusto ko magkaroon ng magandang buhay. Tulad ng may sariling bahay at lupa,may permanenteng trabaho,mayroong pangkain sa araw araw,may pangtustos sa pamilya ko.
Yan ang gusto kong mangyari sakin kapag nakapagtapos na ako ng pag aaral, buong buhay ko,yan na ang pinaplano ko simula pa lang. Ang mga magulang ko at kapatid ay maituturing kong isang pinaka importanteng bagay na kailangang pagsakripisyuhan,dahil sakanila kaya ako nagiging matatag at pursigido na gawin ang aking mga plano sa buhay,sakanila rin ako humuhugot ng lakas upang malampasan ang aking mga problema.
---------------
"Ate!!! Gumising kana tanghali na!!!"
"Wait lang!"
"Bumaba kana!!"
"Oo!!"
Bwisit!!..napuyat ako kagabi dahil sa marami pa akong ginagawa na project sa iba't ibang subject. Shet di ko akalain na ganito kahirap ang college,kinuha ko kasi ay agriculture dahil yun yung gusto ni tatay,pero kung ako papipiliin gusto ko maging chef tapos makapagpatayo ng sariling restaurant pero dahil sa mahal ang kursong culinary ay pinili ko na lamang ang agriculture dahil lahat dito ay libre. Libre allowance,libre tuition fee,at libre din ang dorm. Ang hirap pala nitong kursong kinuha ko,more on chemistry sya punyemas bobo ako dun eh.
Nakapaligo na ako at nakapagbihis,matapos nun ay bumaba na ako para kumain.
"Ate tumawag si ate Nica,sabi nya susunduin ka daw nila dito ngayon para sabay sabay na kayo pumasok."
"Okay."habang kumakain may hawak akong libro ng algebra dahil mamaya mayroon kaming quiz dito.
Nasa gitna ako nang pagrereview ng may biglang nagdoorbell sa labas.
"Ayan na yata sila,anak bilisan mo na."
"Opo." Uminom ako saglit at nagtoothbrush pagkatapos ay lumabas na rin.
Nakita ko sila Nica na nagtatawanan. Agad akong lumapit sakanila,dahilan upang sila ay matigilan sa tawanan.
"Tara na." Sabi ko sakanila.
"Tinanghali ka yata ngayon?kadalasan kasi maaga kang pumapasok. Minsan nga nauunahan mo pa yung mga security guard dun sa school natin eh." Sabi ni Nica.
At nagtawanan sila matapos sabihin yun ni Nica.
"Tss. Marami kasi akong ginawa na project ko sa ibang subject."
"Aba Patricia hinay hinay lang baka maging nerd kana nyan.hahahaha"sabi naman ni Jane na nakahawak pa sa tiyan nya habang tumatawa.
Sa inis ko nasabi ko ay"Edi wow."
Pagkatapos nun ay nagtawanan na naman sila.Kainis.
BINABASA MO ANG
The Vampire's Wife
VampirePatricia Pajardo isang dalagang naghahangad ng magandang kinabukasan para sa kanyang mga magulang at kapatid... Ngunit biglang magbabago ang lahat ng kanyang pinangarap, nang mapunta sya sa kamay ng isang taong may kakaibang kakayahan at estado sa b...