Maaga akong nagising dahil sa sikat ng araw sa bintana. Pagkatayo ko ay agad kong isinara at inayos ang aking sarili pagkatapos ay nagligpit na rin ako ng aking pinaghigaan.
Nakakalungkot isipin na,sa sandili ko lamang nakasama ang isang mumunting paniki na iyon ay namiss ko kaagad ito. Ewan ba weird siguro ito sa inyo pero parang gusto ko mag alaga ng paniki hihi,mukhang masarap silang alagaan.
"Ate!!!!! Bumaba kana nga! Tanghali na!!!
Nakakainis naman ayaw ko pa bumaba ih! Nagmumuni muni pa ko eh istorbo..hayys makababa na nga.
Pagkababa ko agad kong nakita ang kapatid kong inis na inis yung itsura ng mukha.
"Oh ano nangyari dyan sa mukha mo?"
"Nakakainis kasi hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa ingay na nanggagaling sa kwarto mo!"
"Ha? Eh wala naman akong narinig kagabi na ingay ah"
"Tss eh paano mo maririnig eh lagi kang naka earphone tuwing matutulog ka."
Oo nga no,haha.
"Eh ano naman masarap kaling makinig ng music bago matulog."
"Tss pake ko!"
"Hmmp...kung hindi lang kita kapatid nasabunutan na kita dyan."
"Edi gawin mo!"
"Talaga dyan mismo sa pwesto mo sasabunutan kita tas kakaladkarin kita hanggang labas tapos ingungudngod kita sa semento para yang mukha mo pumangit pa lalo!"
"Subukan mo!kundi tatadyakan kita sa perl mo!"
"Talaga lang ha? Kaya mo? Tss if I know maliit yang biyas mo!!"
"ANO BA KAYONG DALAWA NASA HARAP KAYO NG PAGKAIN KUNG MAKAASTA KAYO MGA PALENGKERA!!!!"
Agad kami nahinto sa sagutan ng biglang sumigaw si nanay sa pagitan naming dalawa ng kapatid ko.
"PARA KAYONG WALANG PINAG ARALAN!KABABAENG TAO MGA WALANG GALANG!!"
"Sorry po" "Pasensya na nay"
Nagkatinginan kami ng kapatid ko ng nagkasabay kami nito ng pagsabi ng sorry.
"May paenglish english ka pa dyan di naman bagay sayo!"
"Tss nay nga oh pakielamera! Palibhasa kasi di marunong magenglish!!"
"Ano ba pinagaawayan nyo ha!?"
"Yung sa paggamit ko ng earphone tuwing gabi bago matulog."
"Yun lang pinagaawayan nyo pa?"
"Eh paano kasi hindi ako nakatulog kagabi dahil sa ingay na nanggagaling sa kwarto nya tapos sabi nya wala naman daw syang narinig,eh sino ba naman ang makakarinig nun kung may nakapasak sa tenga mo?kaya ayun nainis ako sinagot ko sya."
Mahabang litanya nito sa harapan ni nanay.
"Tapos pinatulan mo pa Patricia?"
"Eh pano kasi yang Lea na yan sobrang nakakainis kung makapagsalita kala mo sya batas."
"Kahit na panganay ka."
"Okay,sorry po."
"Ge kumain na kayo at tanghali na."
"Shet! Ano ba yan malalate na ko! Buset ka talaga Leangot!!"
"Tss buti nga sayo.hmmp."
"Humanda ka sakin mamaya."
Sabay takbo palabas ng bahay.
Shet na malagket!!! Late na late na ko!!! Huhuhuhu.

BINABASA MO ANG
The Vampire's Wife
VampirPatricia Pajardo isang dalagang naghahangad ng magandang kinabukasan para sa kanyang mga magulang at kapatid... Ngunit biglang magbabago ang lahat ng kanyang pinangarap, nang mapunta sya sa kamay ng isang taong may kakaibang kakayahan at estado sa b...