Sa wakas nakauwi na rin ako sa bahay.
Kapagod,wala lang naman kaming ginawa doon kundi ay kumain tapos ay tumulala sa mga tao doon.
Yung mga bisita kasi hindi namin mga kilala puro mga kamag anak nya ang nandoon eh..
Pagkapasok ko sa bahay bumungad sakin si nanay.
"Oh kamusta ang party?"
"Okay lang po ma."
"Ayun kainan lang kami ng kainan."
"Ganun? Sige matulog kana at maaga ka pa bukas."
"Ge po nay. Night."
Pagkapasok ko sa kwarto tuloy tuloy akong pumunta sa c.r upang makapaligo saglit. Para maging fresh ulit ako hehe.
After taking a bath umupo ako sa harap ng salamin at doon nagpatuyo ng buhok.
Habang nagpapatuyo ng buhok. Biglang may malakas na hangin ang humapas sa mukha ko..pagkatingin ko sa may bintana ng aking silid ay...........
bukas pala ito, kung kaya't isinarado ko iyon.
Ngunit mayroon akong narinig na kaluskos sa labas, upang malaman ko kung ano yun ay lumabas ako ng silid at tumungo sa labas ng bahay kung saan ko narinig ang ingay.
Pagkarating ko doon ay nakakita ako ng isang maliit na paniking hindi makalipad.. Naawa ako kaya ang ginawa ko ay binuhat ko ito at dinala sa aking kwarto.
Pinagmasdan ko ang paniki.
Nakita ko ang pakpak ng paniki na madaming sugat kung kaya nag tungo ako sa c.r ko upang kuhanin ang first aid kit ko doon.
Pagkakuha ko ay agad kong pinuntahan ang paniking nakahiga sa aking mumunting lamesa na ang mga nakalagay ay aking mga pangkikay.
"Saan ka ba kasi nagsusuot at nagkaganyan yang mga pakpak mo?" Kausap ko dito kahit imposibleng sagutin ako nito.
"Sa palagay ko ay hinahanap kana ng iyong ina,nag-aalala na siguro iyon sa iyo."
Pagpapatuloy ko sa pagkausap dito.
"Hayaan mo ibabalik kita bukas ng umaga sa pinanggalingan mo kanina at iintayin kitang makalipad doon."
Sabay ngiti doon sa paniking tahimik lang na nakatingin sakin.
"Wag ka magalala aalagaan kita habang hindi pa sumasapit ang umaga."
"Pero bago yun kailangan muna kitang igawa ng matutulugan."
Agad akong nagtungo sa aking damitan at naghanap ako ng damit na luma upang mahigaan nito.
Bumaba ako saglit at nagtungo agad ako sa kusina upang kumuha ng maliit na kahon upang doon ko sya mailagay.
Ilang minuto lang ay sa wakas nakahanap na rin ako ng kahon.
Agad akong nagtungo sa aking kwarto at labis akong nagtaka ng makita kong wala na ito sa pinaglagyan ko nito kanina.
Nakapagtataka?nandito lang ito kanina pero ngayon wala na imposible namang makalipad iyon dahil sugatan pa ito.
Hinanap ko ang paniki sa ilalim ng kama at sa ilalim ng lamesa ngunit wala ito doon.
"Saan ka nagpunta?"

BINABASA MO ANG
The Vampire's Wife
VampirosPatricia Pajardo isang dalagang naghahangad ng magandang kinabukasan para sa kanyang mga magulang at kapatid... Ngunit biglang magbabago ang lahat ng kanyang pinangarap, nang mapunta sya sa kamay ng isang taong may kakaibang kakayahan at estado sa b...