Alexa
"alexa halika na, bilisan mo" rinig kung tawag ni kuya sa labas.
"opo nanjan na" lumabas naman ako ng kwarto at nakita ko si kuya von na naka upo sa sofa. naka shorts lang din sya tsaka polo. yay ang gwapo ng kuya ko^_^
"oh sakto lang pala sayo ang damit ko, halika nga dito.Mama tignan mo magkamukha na kami ni Alexa hahaha" tumawa naman kami ni mama sa sinabi ni kuya. suot ko kasi ngayon ang tshirt nya tsaka naka maong ako na shorts bago daw to naiwan binili ni kuya para sa gf nya kasi may pool party daw sila mamaya eh sa wala pa akong damit kaya binigay nya nalang sakin.
"tara na nga baka mamaya magkasimgkatawan na tayo" sabi ko.
"ayaw mo nun macho ka" pagbibiro nya.
"ee ayaw mo din nun sesexy ka hahaha" ginulo nya naman ang buhok ko. i feel comfortable to kuya Von ang gaan ng loob ko sa kanya.
umalis na kami ng bahay at sumakay na ng kotse, may license na si kuya kasi 20 na sya. ang una naming pinuntahan is Mall,bibilhan nya daw ako ng mga damit. nandon na yung mga dress,pants,shorts,tshirts,mga heels,flatshoes,slippers and mga beauty product. sabi ko hindi ko kailangan un pero binili nya parin. binilhan nya rin ako ng cellphone para daw kung may kailangan ako matetext ko sila nina mama.
"ano kaya pa ba? mall palang napupunrahan natin wala pa sa kalahating araw toh haha" napaka hyper naman ni kuya. hindi ba napapagod to?
"sus walang wala yan saken kuya ako pa ba" sabi ko sabay pakita ng mga muscles ko kuno sa braso. tinawanan nya naman ako. hmpp
"haha kelan pa nagka muscle ang payatot na gaya mo.. bleeeh" lang aasar saken ni kuya.
"anong sabi mo? bumalik ka dito!!" hinabol ko naman sya papasok sa isang parlor. teka anong gagawin nya dun?
"kuya von?" hinanap ko sya ng biglang may umihip sa tenga ko kaya nahampas ko sya, nakiliti kaya ako dun.
"kuya naman!" nagkunwaring nag tatampo ako. haha
"sorry na. bati na tayo.. sige na maupo kana jan, saglit lang" pinaupo nya ako sa upuan sa mau harap ng salamin.anong gagawin nya?
"sya ba ang kapatid mo von? ang ganda nya ha. nasa lahi nyo na talaga. hi bhe babawasan lang natin ang buhok mo aa" tinanggal ng baka ang pagkakatali ko sa buhok ko, nagulat sya sa haba ng buhok ko. yes mahaba talaga as in umabot na sa may pwetan ko.
"omg! ang haba ng hair mo bhe at ang ganda ha, sayang naman. pero keri lang yan." sabi nung bakla.
"ahm above the waist lang ang ibawas mo and icurl mo sa dulo. siguradong magugustuhan nya ang makikita nya" may sinabi pa si kuya pero dko na narinig.
sinimulan naman ng bakla ang pag gupit sa buhok ko, tinabasan nya din ang kilay ko sunod daw sa uso. hahaha
"omona!" tanging nasabi ko. ang ganda ko i mean ng pagkakaayos ni beki.
"woah! ang ganda mo na kapatid ah. sus dalaga na ang kapatid ko" pang aasar ni kuya sakin. binayaran nya na ang parlor at lumabas na kami nag libot lang kami ni kuya sa mga malls ang kumain hanggang sa pagabi na.
"alexa tara na" pag'yaya ni kuya sakin.
"uuwi naba tayo?" tanong ko. tumango naman sya. nalungkot ako bigla.
"sensya na alexa pero may pupuntahan pa kasi ako eh, hauaan mo next time babawi ako promise" kuya. naalala ko may pupuntahan pala syang party. pero okay lang may next time pa.