Chapter 2
Patricia
"From the top!!! Faster!!!" Sigaw ng trainor namin sa tuwing nag kakamali kami sa practice.
we have two weeks left dance contest na. Ang bilis lumipas ng araw akalain mong two weeks narin kaming may communication ni klyne yung lalaking tingin ng tingin sakin sa plaza. Ewan!! hindi ko akalain na magiging close kami, na dati iniiwasan ko siya. Mabait naman siya at gwapo pa. Swerte naman ng babaeng mamahalin niya.
Beep..beep..
Nag vibrate yung cell phone ko, tiningnan ko kung sino yung nag txt.
1 message from Enylk.
nag text siya. Inopen ko yung message niya.
"Galingan mo sa practice ah?! ingat!! Andito lang ako nanood sa inyo."
Nanood siya?? Pero wala naman siya dito ah?? Nilibot ko ng tingin ang buong plaza pero wala siya. Saan naman siya nagtatago??
Nagtigilan ako nung sumigaw yung trainor namin.
"Hoy!! Patricia!! Nag sta-start na. Late na ang pasok mo sa entrance. Keep your cell phone at magconcentrate na sa practice!!"
Napagalitan tuloy ako. :(
"Opo, sorry po." Sabi ko naman.
Tinago ko yung phone ko sa bulsa at bumalik na ulit sa practice. habang nag sumasayaw ako vibrate ng vibrate ang phone ko. For sure tumatawag na naman si klyne. Gusto ko sanang sagutin pero natatakot akong mapagalitan ulit ng trainor namin.
Natapos na yung practice namin nag lunch break na kami umuwi ako sa bahay at kumain ng lunch at tinulungan si mama sa mga gawaing bahay Pagkatapos kong kumain ng lunch nang nag text sakin si klyne.
"May laro kami ngayon, manonood ka ba??"
Ano erereply ko?? indi naman ako sure if papayagan ako ni mama na pumunta sa basketball court kasi marami pang gagawin dito sa bahay.
"Gusto ko sana manood pero hindi po ako sure kung papayagan ako ni mama na umalis ng bahay."
Yan nalang yung nireply ko. Try ko talagang manood ng laro nila kasi kahit hindi ako mahilig manood ng basketball pero para sa kanya gagawa ako ng paraan para manood. He's so gwapo at super bait, I think I like him. Sana ganun din siya sa akin sana the feeling is mutual, para hindi ako umasa ulit. Kasi ang sakit umasa na akala mo gusto ka rin ng taong gusto mo.
nag paalam ako kay mama na babalik na ako sa practice kahit mamayang 5pm pa yung practice namin, kasi gusto ko talagang manood ng laro niya eh. Gagawin ko ang lahat para magustohan niya ako, para makita niya na supportive ako sa mga bagay na gusto niyang gawin. Para hindi siya maturn off sakin. Wala eh, sabi ko dati hindi muna ako mag mamahal pero dumating siya, nagising nalang ako bigla na mahal ko na siya, kainis kasi ang mga ngiti at tingin niya sakin lalo na yung sweet treatment niya skin pag nagtetext o tumatawag siya, hay.. love nga naman indi natin alam kung kailan darating, kung kailan ka mamatatamaan ng pana ni kupido.
***
Klyne
Nasa basketball court ako ngayon kung saan nag papractice ng sayaw sina Patricia mas lalo akong naiinlove sa kanya kasi hindi lang siya maganda at mabait, magaling din sumayaw. She's one of the leader in their group halata naman kung bakit siya naging leader diba?? Ang galing niya may disiplina kung sumayaw passion niya talaga ang sumayaw pero hindi mo ito mahahalata sa kanya pag unang nakita mo siya kasi mapakasimple lang niyang babae hindi katulad ng ibang babae dito na nagpapacute pag may nakitang gwapo. Kasi siya hindi siya nag papansin sa ibang tao. dahil sa kasimplehan niya nakuha niya ang attensyon ko, nakuha niya ang puso ko, makikita mo sa mukha niya na totoo siya sa sarili niya. Dati hindi ako naniniwala sa love at first sight pero ngayon hindi ko akalaing mangyayari ito sakin, sakin pa mismo na hindi naniniwala dun. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig. Tangina, sabi ko dati hindi na ako ulit mag mamahal ng ganito pero wala eh, nakita ko siya, simula nang makilala ko siya nahulog na ako sa kanya. Wala eh, inlove na ulit ako. Peste!!
Tinext ko siya sigurado hahanapin ako neto.
"Galingan mo sa practice ah?! ingat!! Andito lang ako nanood sa inyo."
tapos kong isend ang message ay tiningnan ko na ulet siya.
nakita ko na kinuha niya ang cell phone niya sa bulsa niya, nang mabasa niya na siguro ang text ko nilibot niya ng tingin ang buong basket ball court, hinahanap niya siguro ako. hindi niya naman ako makikita dito kasi nasa tagong parte ako ng basket ball court.
Pero agad naman niyang tinago ulet yung cell phone niya kasi mukhang napagalitan siya ng trainor nila. Tsk. Napagalitan tuloy siya nang dahil sakin.
Nanood nalang ulit ako ng sayaw nila kita ko sa mukha niya na pagod na siya kaka practice pero hindi parin siya nawawalan ng energy sayaw parin ng sayaw halatang nag eenjoy siya sa ginagawa niya.
Nang matapos na ang practice nila ay nag simula na rin ang laro namin sa basket ball.
Nanood din siya kaya napakapursigido kong maglaro, ginaganahan ako, inspired ako dahil alam kong anjan siya nanonood ng game namin.
Iba talaga ang tama ko sa kanya. Ngayon lang ako nakakaramdam ng ganito, nang ganitong klaseng pagmamahal.
To be continued...
YOU ARE READING
Akala
FanfictionThis story is based on my experience. It is half truth and half imagination. I Hope you like it. Akala, akala ko siya na. Akala ko kami na. Halos perfect na sana ang relationship namin pero akala ko lang pala yun. Totoo nga, maraming na mamatay sa m...