--
"mama alis na po ako." sigaw ko kay mama habang tumatakbo pa baba.
"anak di ka pa nakakapag-agahan." lumabas si mama sa kusina na may hawak na plato.
"sa school nalang ako kakain ma, malilate na po kasi ako." lumapit ako kay mama sabay halik sa pisngi niya. "alis na po ako."
Dumiretso na ako sa may sakayan. Halos kalahating oras akong ng hintay tsaka palang may dumaan na taxi. Bibihira lang kasi ang dumadaan na sasakyan dito kaya parate akong late sa klase.
"again miss alonte you're late." agad na sabi ng prof namin ng nakita ako.
"sorry po miss monika." Hingi ko ng tawad. Agad na akong umupo kung san nag-iintay ang kaibigan kong si cassy.
"wala nanaman bang taxi o jeep." bulong niya.
"ano pa nga ba."
Nakinig na kami kay miss monika na patuloy sa kanyang diskasyon. Matapos nun ay dumiretso na kami sa cafeteria para dun kumain. Yung mga alaga ko sa tiyan kasi kanina pa ng rireklamo.
"huy alam mo bang may bagong leader ang AT." bulong niya sakin. Kung may gusto kayong malaman dito sa school kay cassy niyo itanong. Tsismosa 'to e.
"AT? Alpha Theta?" paninigurado ko.
"yes." sakay subo niya ng bbq.
"talaga? Bakit daw nag-palit?" tanong ko habang pinapapak ng pagkain ko. Ang balita ko sa grupong 'to ay mapili kaw 'to sa leader nila at mahirap daw ang pinapagawa sa mga gustong sumapi sa kanila. Dati may nakita ako naka-brief lang sa labas ng gate. Kala ko nga baliw pero sabi ni cas sakin frat daw.
"Ewan ko. Basta ang alam ko super hot daw at gwapo." pagdating sa lalake nga talaga tong si cassy.
Sobrang ingay dito sa cafeteria. May mga istudyante na nagkukwentuhan, nagkakantahan o kaya nakikisabay lamang sa kanta dito sa cafeteria. Meron mga nagbabasa ng libro.
"uy julia may practice tayo mamaya sabi ni trish." si jana kamyembro ko sa dance trope dito sa school.
"Geh punta ako jana lamat."
"sige una na ako. Bye julia. Bye cassy." kaway niya samin ni cassy.
Matapos namin ni cassy ay diretso na kami sa econ.1 class ko kung san classmate ulit kami ni cassy. May dalawang subject kami ni cassy na pareho. Eng.85 at Econ.1.
Panay ang take note ko sa dapat na e take note sa mga sinasabi ni prof. Calibay. Agad akong dumiretso sa dance studio dito sa school kung san kami nagpa-practice. Anduun na ang kasamahan ko kabilang na ang leader namin si trisha."Hey julia." masigla niyang bati sakin at yumakap. "i miss you." dagdag niya.
"hey julia." si anjo.
"hey pretty." si samuel.
"i miss you too trish." sabay yakap din sa kanya. At kinawayan ko naman lang dalawa.
Di rin nagtagal ay dumating din ang iba namin kagrupo at nag-umpisa na si trish sa mga step na sasayawin namin sa isang event dito din sa school kung san na imbitahan kaming sumayaw.
