"Chance or Reason?"

41 7 3
                                    

DO WE MEET PEOPLE BY CHANCE, OR FOR A REASON?

Una kitang nakausap sa gym. Lingat ka kasi ng lingat kaya inakala kong hinahanap mo yung prof mo.

Tinanong kita kung sinong hinahanap mo, sabi mo hinihintay mo yung kasama mo. Tapos tinanong ko rin anong course mo.

Pareho pala tayong BRC.

After nun, nagpalitan na tayo ng kwento, doon ko narealize na ang sarap mo palang kakwentuhan. Tapos umalis ka na kasi dumating na yung hinihintay mo.

Sayang nakalimutan kong itanong yung pangalan mo, pero di bale na, magkaklase naman tayo sa isang subj.

Sinubukan kitang hanapin sa fb, pero nabigo ako. Nagpost ako, baka sakaling mabasa mo.

Tapos may nag-comment. Sabi niya, siya daw yung sumundo sayo sa gym. Whoa. Small world. Pinagtatagpo talaga tayo ata ng tadhana.

Kanina sa sociology class, bago ako pumasok ng room nandun ka sa pintuan.

Tapos sabi mo sakin, "O diba ikaw yung sa gym?" Tapos tumango at ngumiti ako bilang tugon.

Hindi lang pala kita kaklase sa history, pati pala sa sociology. Lalo akong nagka dahilan na pumasok araw-araw.

Kanina sa history, umupo ako sa unahan, nasa likuran lang kita, at doon, naulit ang palitan ng kwento.

Pero this time, alam ko na yung pangalan mo, at alam mo narin yung pangalan ko.

Nagulat ka nung nagpakilala ako. Sabi mo friend na tayo sa fb at in-add kita noon kasi pareho tayong member ng isang group, pero wala akong maalala.

Pag-uwi ko, kumpirmado. Friend na nga talaga tayo sa fb noon pa.

NOW TELL ME, DO WE MEET PEOPLE BY CHANCE, OR DO WE MEET PEOPLE FOR A REASON?

Deibsphere: Short StoriesWhere stories live. Discover now