Unrequited Love
Title palang, alam na diba? Napaka-cliche na kwento. Pero bat sobrang sakit?
Alam niyo ba yung kanta ni TJ Monterde na Imahinasyon? Grabe sapul ako sa lyrics e.
"Akin ka saking imahinasyon, sana nama'y hindi lang hanggang doon. Kailan kaya aking pagkakataon? Sa panaginip ko'y mahal mo ko ro'n"
"Gustong gusto kita, bat ba di mo makita? Na iniibig ka, puso, salita't gawa. Kailan ba may tayong dalawa?"
Shet. Ang sakit lang.
Andito lang ako pero di mo ko makita.
Andito naman ako.Pero bat sa kanya ka pa nagkagusto?
Bat sa kaklase pa natin?Sa kaklase nating may boyfriend na.
Di ka naman mamahalin non e.
Ako nalang.
Ako nalang please.
Alam ko naman nung una palang na naramdaman ko tong pagmamahal ko para sayo,
alam ko namang walang pag-asa na mapasakin ka, kaya di ako umasa.Pero habang tumatagal, lumalim yung feelings ko para sayo e.
Di ko nga alam kung bat ako nasasaktan e.
Di ko alam kung bat ako nagseselos.
Kung bakit may nabubuong imahe sa isipan ko na balang araw magiging akin ka rin,
kahit napakaimposible.Ang sakit lang siguro kasi binabalewala ka lang niya.
Panay ka papansin sa kanya,
dedma lang siya.Ang sakit lang kasi binabalewala ng iba yung taong pinapahalagahan ko.
Yung taong yun na pinapahalagahan ko,
siya yung isa sa mga pangarap ko.Siya yung pangarap ko pero may pinapangarap siyang iba.
Okay. Alam ko wala kayong pake at wala akong sense. Siguro kailangan ko lang mag-vent out.
Please may alam ba kayong nagaalis ng feelings?
Hindi ko na kasi maasikaso ang sarili ko.
Nahihirapan na ako.
💔💔💔
YOU ARE READING
Deibsphere: Short Stories
Short StoryA series of stories Created from different emotions. Anger Jealousy Childishness Joy Lust Sadness Hatred In a one page event.