My son, My brother
Oo. Yung anak ko kapatid ko na.
Pano? Hahah.
Ganto po yun, nabuntis po ako nung 15 yrs old ako. Nanganak at the age of 16. Eh sa ayoko kasing magpakasal sa daddy ni baby kaya ayon, tinotoo nya yung sinabe nyang "Pag di ka talaga nagpakasal sakin hindi na ko babalik dito sa pinas dun na ko kila tita sa Canada".
(Oh diba? Ang lake kong tanga) so ayon na yung naging rason kung bat inampon nila mommy yung anak ko, plus lalake pa. So meron na daw magpapatuloy sa pangalan namen.
Psh! Tsaka di na daw ako ma pagchichismisan na disgrasyada and malande ( Ge libre laet na, masaya kayo eh). Pano isang kahihiyan daw ang nagawa ko. Na dumihan ko daw pangalan nila(Char).
And wala na daw magkakagusto sakin. In short forever alone and sad na daw ako. So kahit ayoko and labag sa kalooban ko pumayag na ko. Tutal sila pa din naman yung gagastos sa lahat. Tsaka kung saka sakali yung mana mahahatian yung anak ko(hahah! Ugali ko). Pag nagkasakit under sya sa philhealth ng parents ko. And madami pa daw na benefits ang makukuha ng anak ko(Nak pa hati si ate mama).
So yun. Sinabihan pa ko na wag kong ipagsabe kahit kanino. Ilibing na sa hukay ng nakaraan ang lahat. Sabihin ko lang daw na nag ampon lang sila. Tutal itinago naman nila ko nung nalaki na si tummy.
Kaya yon. Hanggang lumipas ang tatlong taon and college na ko, pag may nakakakita sa baby boy ko, ma picture man o personal sinasabing carbon copy ko daw. Hahah Sinasabe ko lang syempre kapatid ko yan eh. Oh diba an saket.
Tapos daw sa picture parang may something daw talaga samen. Parang hindi daw talaga kapatid lang. Pero sinasabe ko paring kapatid ko lang(takot akong baka ma disappoint ko nanaman sila) Ang sakit lang sakin. Lalo na pag sinasabe nilang bat ko daw ikinakahiya yung anak ko.
Tsaka wala naman daw problema sa kanila and di daw naman nila ako ijujudge. Mas okay nga daw yung nagpapakatotoo. Kung alam lang nila yung totoong nararamdaman ko. Hays. Hanggang umabot sa point na napag connect connect the dots na ng barkada ko yung storya(pano ang daming tanong. Pinaikot ikot hanggang,boom! Na gets na nila) and nag aantay nalang daw silang umamin na ko.
Hanggang sa ayun na, inamin ko na sakanila. Infairness walang nagbago, mas naging okay pa yung samahan namen and na proud daw sila sakin.
Ngayon pa 3 yrs old na si baby. Ang saya ko lang kasi an daming na kyucutan and nagwagwapuhan sa kanya. Plus ang tangkad pa(mana sa papa). Sana one day pwede ko nang maipagsigawan sa buong mundo na anak kita.
May part sakin na sobrang nagsisisi ako na pumayag ako, but on the other side okay lang kasi nasa mabuting kalagayan yung anak ko, este kapatid na pala. Lalaban lang si ate mama para sayo anak. Mahal kita. Ikaw lang okay na ko.
❤❤❤
YOU ARE READING
Deibsphere: Short Stories
Krótkie OpowiadaniaA series of stories Created from different emotions. Anger Jealousy Childishness Joy Lust Sadness Hatred In a one page event.