PAANO HINDI MAGMUKHANG TANGA?
Scenario: Nalaman mo na si Crush mo at si Friend mo na. Diba ang sakit!? Dinurog puso ko beh.
Una. Wag mo i-block si Crush sa mga social networking sites (example: facebook, twitter, instagram etc. o kahit sa messenger). Wag mo ipakitang sobrang apektado ka. Life goes on... kahit masakit.
Pangalawa. Wag mo na sabihin kay Friend mo na nasaktan ka. Baka akalain nya pa, nanggugulo ka lang. Hayaan mo na sila. Let them be happy. Sometimes you need to step back for someone's happiness and for the betterment of everyone. Gawin mo to kung ayaw mong masira friendship nyo.
Pangatlo. Tama na yung isang hugot post or isang hugot tweet. Wag mo araw-arawin. Get a life.
Pang-apat. Kung iiyak ka, ibuhos mo na sa isang araw hanggang gabi. Wag mo na dalin kinabukasan. Kasi paano kung ma-meet mo na yung The One mo? Edi haggard ka!? Paganda ka. Oops! Don't get me wrong ha! Paganda ka para sa sarili mo, hindi para sa ibang tao.
Pang-lima. Move on. Wag mo na panghimasukan si Friend at Crush. Wag mong hukayin sarili mong libingan. Ikaw at ikaw lang din naman kasi masasaktan.
❤❤❤
YOU ARE READING
Deibsphere: Short Stories
Short StoryA series of stories Created from different emotions. Anger Jealousy Childishness Joy Lust Sadness Hatred In a one page event.