EPISODE 1: SEATING ARRANGEMENT
Napatakbo ako ng mabilis nang mapansin na sobrang late ko na pala. Dahil tanghali na rin ako nagising.
Nakita ko naman ang principal na naglalakad papunta sa direksyon ko kaya agad akong umakyat sa second floor ng building.
Malalagot ako pag nakita niya ako!
Chinek ko naman kung nakadaan na siya at dali-dali akong bumaba at dumeretso sa classroom ko.
Kumatok muna ako bago buksan ang pinto at bumungad sakin ang maraming estudyante.
"Seems you're late."Ani ng Adviser.
Napayuko nalang ako.
"You two stand outside."Ani niya pa.
You two? Napalingon ako at isang matangkad na lalaki ang nasa likuran ko.
Napababa ang tingin nito at halos manlaki ang mata ko ng mahuli niyang nakatitig ako sa kaniya.
"Tatayo lang ba kayo diyan? "Ani Adviser.
Agad akong lumabas, Unang araw ng klase late ako.
Tumayo lang ako sa labas at tumingin sa paligid, Medyo malamig ang panahon ngayon.
"You two come inside."Ani Adviser.
Pumasok na ako sa classroom at sinundan ang Adviser sa harap ng klase.
"Introduce you'reself."
Napatango lang ako, Lahat ng estudyante nakatingin sakin.
"Ellie Montemayor, 16."Ani ko.
Wala naman ako nakuhang violent reactions or comments.
"Pumunta ka sa likuran at maupo ka malapit sa may glass window."
Pumunta agad ako sa seat arrangement ko at saktong pag-upo ko halos mapuno ng sigawan ang buong classroom.
Yung kaninang tahimik na classroom? Ayon! Para kang nanunuod ng Miss Universe.
"Ohemgee! Ang gwapo niya!"
"Magtigil ka! Mang-aagaw ka!"
"Shut up mga bitches! He's mine!"
I can't belive this.
Tinignan ko naman yung nakatayo sa harap, Yung kaninang lalaking nakasabay ko-Parehas kami late.
"Introduce."
"Anthony."Tipid nitong sagot.
At halos mayanig ng ingay ang classroom, Anong meron sa lalaking yon?
He's tall, Ma-appeal, Mabango at Richkid.
"Hindi naman gwapo."Sambit ko.
Awtomatiko naman tumahimik ang classroom, As in-Parang ihip lang ng hangin ang naririnig ko.
Napatingin ako sa paligid, All eyes are on me.
"What the hell?"
"Papansin ba 'to?"
"Pigilan niyo ako, Baka matansya ko 'to."
Napadako ang tingin ko sa lalaki, He has a poker face.
"Enough everyone- You may seat at the back."
Lumakad na papunta yung lalaking estudyante sa direksyon ko, What the! Katabi ko siya?
Tinignan ko ang kanan ko, Occupied seat! Tabi nga kame!
Naupo siya at i felt some akwardness because all of my classmates are all lookin at me!
"Seriously?"
"Nakakainis!"
"Ang babaeng yon! Sarap sampalin."
Napatingin lang ako sa labas ng glass window, I don't have a problem.
"DAMN! QUIT STARING!"
Napatingin ako sa sumigaw, At halos mapanga-nga ako sa kanya.
Anthony.
---
#OfficialUntitled