EPISODE 4: HATING YOU MORE
Napangisi lang ako, Planado pala ang lahat na ito ng lalaking yon.
"Montemayor!"
Lumingon ako at nakita ang Professor namin sa Physics.
"Sir? May kailangan kayo?"Tanong ko.
"Pakidala 'to sa laboratory."At inilahad niya sakin ang mga cartolina.
"Saan po ba ang laboratory?"Tanong ko.
"Just straight ahead."At umalis na ito.
Just straight ahead? Pft.
---
Nakarating ako nang laboratory, Pumasok ako dito at inilapag ang mga cartolina sa mesa.
"Napaka dumi naman dito."
"Then clean it."
Napalingon ako sa likod at nakita ko ang mukha na sarap iumpog sa pader!
"Why would i? Bakit hindi ikaw?"
"Here."At inilapag niya ang walis tambo at mop.
Napangisi ako"Hindi ka batas, Clean it."
"Hindi ka ba talaga natatakot?"
"Bakit naman ako matatakot sa mayabang na katulad mo?"
Napatalim ang tingin nito sakin at ngumisi ako.
"Mga duwag lang ang natatakot."Ani ko.
Lumapit ito sakin at tinignan ng masama.
"Gusto mo maglaro? Pagbibigyan kita."
Napakunot ako ng noo, Anong ibig sabihin ng lalaking 'to?
"Sumama ka sakin."Ani niya.
"Ayoko."Matigas kong sabi.
Hinawakan niya ang braso ko, Sobrang higpit nito.
"Bitawan mo ako! Kundi masasaktan ka!"Pagbabanta ko.
Tumawa lang ito at ngumisi, Gusto yata rin nito ng laro e? Oh well.
Nang makatiyempo ako, Sinikmuraan ko agad siya at napahiga ito sa sahig.
"UGH!"Sigaw niya at humawak sa kaniyang sikmura.
"Tandaan mo, You can't played with me."Saad ko bago iwan siya namimilipit sa sakit.
Lumabas na ako ng laboratory, Ang lalaking yon nakakainis.
Masakit parin ang braso ko, Sobrang higpit kasi ng pagkakahawak niya.
"Nakakainis naman."Inis na sambit ko.
"Anong nangyari sa braso mo?"
Halos mapatalon ako sa gulat at nilingon ang lalaking nasa likuran ko.
Chocolate Brownie!
"Ano ba! Libre naman mangtapik diba? Kailangan patayin sa gulat?"
Tumawa lang ito at ngumiti sakin.
Ito nanaman.
"Parang madalas yata kita makita gumagala?"
"Inutusan kasi ako ng Professor ko pumunta sa laboratory."
"Para kang talagang pusa, Laging naliligaw."
"Oo nga pala? Salamat sa Brownies."At napayuko ako.
"Wala yon, Ganun lang talaga ako sa mga estudyante."
Tumawa lang ako"Sige! Mauuna na ako!"
Palakad na ako paalis ng hawakan niya ang kamay ko.
Again.
"Jack."
"E-Ellie."Tumango ako bago tumakbo paalis sa corridor na yon.
ARGH! ANO BA 'TO?!
•BLAGS!•
"ANO BA?!"
Napa-angat ang tingin ko.
Again!
"So it's you? Pagkakataon nga naman."At ngumisi ito.
"Hindi ka pa rin nadala sa suntok ko sayo? Kakaiba."
"Tsk! Akala mo masasaktan mo ako sa suntok mo? Hell no."Mas lumapad ngisi nito.
"Wala akong panahon sa mga kagaya mo."Ani ko at nilagpasan siya.
"Then OK."Ani niya.
Napahinto ako sa paglalakad, Anong ibig sabihin niya?
"Hindi mo na ako guguluhin? Mabuti naman."
"No-Not anymore."
"Buti naisipan mo."
"Hindi na kita guguluhin-Sisirain ko lang buhay mo dito sa eskwelahan."
Napalingon ako sa kanya at nakangisi itong lumingon sakin bago maglakad paalis at sinanggi ako.
Naiwan akong nakatayo doon, Ano bang prolema non?
---
#OfficialUntitled