EPISODE 7: PARTNERS
Natapos ang klase at simula ngayon nang practice namin para sa JS Promenade.
Nagsipuntahan kami sa Court at mga estudyante nagkalat, Nang dumating kami ang mga estudyante napahinto sa kanilang mga ginagawa nang makita nila si Katie.
Oo na–Dyosa ‘tong kasama ko! Pft.
“Katie? Tingin ko ikaw magiging Queen of Prom.”Saad ko at tumabi kay Katie nang maupo kami sa mga upuan sa itaas.
“Ano ka ba! Hindi no.”At umirap ‘to.
Psh! Anong hindi? Sa ganda ba naman nang babaeng ‘to? Imposible.
“Pahiram naman nang isang partner.”Bulong ko kay Katie.
Napatingin kami sa pila-pila na mga kalalakihan mula sa iba’t-ibang sections para makapartner si Katie.
“Sige ba! Basta kunin mo lahat.”Ani Katie.
Napabuntong hininga lang ako, Wala naman yata gusto ako makapartner e.
Buti pa tong kasama ko, Ang daming umaasa na makapartner siya.
“Katie Villamor ba pangalan nang babaeng yon?”
“Oo daw.”
“Tsk! Lahat nang lalaki yata inako e.”
“Mahirap talaga pag-retokada.”
“Retokada!”
Napatingin ako kay Katie na matalim ang tingin sa grupo nang mga babaeng estudyante, Heto nanaman.
“Hayaan mo na sila, You’re pretty with them.”Ani ko.
“I can’t believe na ganito na pala ang mga estudyante ngayon, Insecures.”
Napabuntong hininga lang ako, Kung alam mo lang Katie—Inggit rin ako.
“All of you, Go with you’re partners.”Ani Cheographer.
Awtomatiko silang nagsipuntahan at naiwan kami ni Katie na walang partner.
“Katie Villamor? Who’s you’re partner?”Tanong nang Cheographer.
Nagkabit-balikat lang si Katie, Mukhang wala naman pakielam ‘to e.
“Me.”
Napalingon kami sa entrance at bumungad ang lalaking nakasandal sa pader.
“Jack?”Di makapaniwalang tanong ni Katie.
Maski ako nagulat, Naglakad papunta si Jack kay Katie at ngumiti ito.
Napatingin lang ako kay Jack, He’s smiling.
Tumingin ito sakin at agad naman ako umiwas.
Ang gulo—Sobrang gulo.
“OKs then—How about you Montemayor?”
“AH kasi—”
“Na late ako pasensya na.”
Napalingon kaming lahat sa lalaking naglalakad papunta sa harapan namin.
“Ohemgee! S–Si Anthony!”
“Grabe! I can’t!”
“Seryoso?!”
Napatulala ako, Hindi ko alam kung bakit hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
“Kung ganon, Set na tayo.”Ani Cheographer.
“Promise is a Promise.”
Nagsi-ayos na sila sa kanilang mga formations at nanatili lang akong nakatayo at napako.
“Ano? Tatayo ka na lang diyan?”Tanong niya.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko, Ngayon ko lang siya nakaharap at nakausap nang ganitong kalapit.
“Tara na kasi.”Saad niya bago hawakan ang kamay ko at hinila samin pwesto.
Ano ‘to? Hindi ko maintindihan—Ang gulo nang nararamdaman ko, Sobrang bilis nang tibok ng puso ko.
“Ellie.”
---
#OfficialUntitled