Episode 2

51 6 0
                                    

EPISODE 2: REVENGE

Natapos na ang klase namin at recess time ngayon kaya lumabas nako at dumeretso sa canteen.

Hindi pa rin maiwasan ang bulungan ng mga estudyante, Pati narin ang mga taga ibang section.

Totoo naman sinabi ko! Hindi siya gwapo.

Naglakad lang ako papunta ng canteen at binaliwala ang mga estudyante.

“Stick-o nga ate.”Saad ko sa tindera.

“Pancakes, Cake at Brownies lang.”

Ano daw? Wala sila non? Piso lang naman yon.

“Sige ito na lang.”Turo ko sa Chocolate Brownies.

“50 Pesos.”

Brownies? 50 Pesos? Napakamahal!

Chinek ko laman ng aking wallet, 20 Pesos.

“Wala bang bawas yon ate?”

“Yon na talaga ang presyo non.”

Napanguso lang ako, Limang piso lang Brownies samin.

“Miss? Bigyan mo ako apat.”

Napalingon ako sa katabi ko, Lalaking estudyante mula sa Section B.

Nagbayad ito at kinuha ang Brownies, Nagulat naman ako ng ibigay niya sakin yung dalawa.

Ngumiti ito bago umalis at naiwan ako tulala.

Ano 'to? Para sakin?

---

“That’s for today.”Ani Professor Kim.

Tumayo ako at iniligpit ang mga gamit ko bago ako lumakad palabas ng classroom.

“Who are you?”

Napatingin naman ako sa nagsalita, Yung seatmate ko.

“Ellie.”Tipid kong sagot at lumakad paalis.

Napatigil ako ng hawakan niya ang braso ko at hinila pabalik sa loob ng classroom, Ni-lock niya ang pinto at naiwan kami parehas sa loob.

“Ano ba problema mo?”Inis na tanong ko.

“Bakit mo ako pinahiya sa klase?”

“Anong pinahiya? Hindi nga kita kinakausap.”

“Don’t make me stupid.”

“Bakit? Sinabi ko bang stupid ka?”

Iniwan ko siya don at humawak sa doorknob, Hinawakan niya naman ang braso ko ng sobrang higpit.

“Sinusubukan mo ba ako?”Ngayon mas nakakatakot na ang boses niya.

Ano bang problema nito? Pinahiya ko daw siya! Malakas tama nito.

“Hindi naman gwapo.”

Halos manindig ang balahibo ko, Iyon ba? Iyon ba sinasabi niya na pinahiya ko siya?

“Get ready—Ellie.”Puno ng awtoridad ang boses niya bago bitawan ang braso ko at lumabas ito ng classroom.

Napatingin lang ako sa kanya, Seryoso ba siya?

“Damn! I Hate Fuckin You.”Ani ko.

---

Untitled StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon