Episode 3

37 4 0
                                    

EPISODE 3: GAME 1

Hindi pa rin ako maka-get over sa sinabi ng lalaking yon, Malakas ang tama ng lalaking yon.

“Montemayor? Can you solve this Equation?”

Napatingin ako sa Professor namin na nakatingin sakin pati na rin ang mga classmates ko.

Tatayo na sana ako ng maunang tumayo yung seatmate ko at sinagot ang nakasulat sa board.

“Well done, You’ve got Montemayor’s Points.”

Bumalik ito sa upuan nito nang naka-ngisi bago ako tignan.

Ang lalaking 'to! Kinuha ang points ko! Ang points ko!

“Fuck you.”Inis kong bulong.

“Game One.”Naka-ngisi nitong sambit.

---

Inis akong lumabas ng classroom bago pumunta ng banyo at napahampas ako sa sink.

“Napakayabang mo! Mang-aagaw pa ng points!”Inis na sigaw ko.

Lumabas ng cubicle ang dalawang babae at nagsalamin kaya naman gumilid ako.

Naka-lipstick ito at naka-makeup, Mini skirt pa mga ineng.

“Kilala mo ba yung girl na transferee mula sa Section C-2?”

“No—Pero pinahiya niya si Anthony sa harap ng klase.”

“What the hell? Seriously? Ang kapal ng mukha ng babaeng yon!”

Kung alam niyo lang na ako yon, Siguro may sapak na kayo.

“Akala mo naman kung sino! Transferee lang naman.”

“Hindi siya bagay dito! She’s a Commoner at Low Class!”

Sa sobrang inis ko, Napahampas ako sa sink at tinignan ang dalawang babae na gulat na nakatingin sakin.

“May problema kayo sakin?”Inis kong saad.

“So ikaw pala yon?”Mataray na saad ni Blonde.

“Kung sabihin ko na ako yon? May magagawa ka?”Pagbabanta ko.

“You bitch!”Saad nung kasama niya at binuhusan ako ng tubig na galing sa hawak niyang mineral na bote.

“Yan ang napapala ng isang katulad mo!”Ani Blonde.

Napakuyom ako ng kamay, Nagpipigil lang talaga ako!

Sa sobrang inis ko, Kinuha ko ang bote sa kanila at nilagyan ng tubig at binuhos sa mga mukha nila.

“Damn!”

“UGH!”

Umalis sila ng banyo at naiwan ako don, Nakakainis! Basa ang polo at blazer ko!

Pati buhok ko! Kakaligo ko lang kaninang umaga!

Lumabas ako ng banyo at nagtago, Baka makita ako ng Principal.

Tumakbo ako at napa-upo ako sa nakasanggian ako.

“Pasensya na!”Ani ko.

Tinulungan niya naman ako tumayo at halos manlaki mata ko ng makilala ko 'to.

S-Si Chocolate Brownie!

“Ayos ka lang ba?—Teka? Bakit ka basa?”Tanong nito.

Napayuko lang ako“Ayos lang ako! Mauuna na ako!”

Paalis na ako ng hawakan niya ang kamay ko, Napatingin ako sa kaniya.

“Malalagot ka kapag nakita ka nila.”Ani nito.

“Ano? Para akong pusa magtatago na lang?”

Ngumiti lang ito bago ako hilahin kung saan direksyon.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasan mapatingin sa magkahawak naming kamay.

Chansing yata 'to e.

Nakarating kami sa—Rooftop?

“Heto.”Inabot niya sakin ang blazer niya.

Kinuha ko naman yon at pinatong sa magkabilang balikat ko.

“Dito ka lang pansamantala.”Ani nito at lumabas.

Peaceful dito sa rooftop, Tanging ihip ng hangin lamang.

Sino ba ang lalaking yon? At lagi na lang ako—

“Heto polo at blazer.”Binigay niya sakin ang polo at blazer.

“Teka? Saan mo naman nakuha 'to?”

“Sa kapatid kong babae, Since magkatawan naman kayo tingin ko kasya yan.”

Napatango lang ako“S-Salamat.”

Ngumiti lang ito sakin“Para kang pusa.”

Hindi ko alam kung totoo ba 'to? Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko.

Nag-paalam na ito at lumabas ng rooftop at naiwan ako don na tulala lang.

Nang makapagbihis ako, Lumabas na ako at bumaba ng hagdan at halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang makaharap ko ang taong 'to.

“Game 2 Ellie.”At ngumisi ito.

“Game on.”Ani ko.

---

#OfficialUntitled

Untitled StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon