GGGB 1

259 9 0
                                    

First day of class ngayon, konti pa lang ang tao since maaga pa

Hindi din naman ako katulad ng ibang tranferee na papasok ng late. Tss isang malaking PAPANSIN lang ang ganun! at tama ang basa nyo, transferee ako dito sa *totoot* university. 

after 15 minutes ng pagtunganga ko, dumadami na ang estudyante.

"Bakla alam mo bang may transferee daw dito sa class naten?" sabi nung baklang hukluban

"Talaga?! hindi na dapat sila tumatanggap pa ng transferee di ba ?! at talagang dito pa sya sa section natin ah!" sagot naman ng babaeng kulang nalang ipaligo nya ang pabango nyang masangsang naman ang amoy. Malaking YUCK! =_=

"At bakit naman hindi na dapat tumanggap ? Ha?!" sabe nung bakla. grabe lang, ganyan ba talga sila mag-usap? Hindi pala usap ang tawag jan. Pagchi-chismisan is the right term!

"Siguro mayaman yun kaya tinanggap pa ng school, at tinatanong mo kung baket hindi na dapat? Kase.....

Ayoko lang. Kung ako ang may-ari netong school hindi ko na sya tatanggapin"

Well i think its my turn to speak, may karapatan naman siguro ko tutal ako ang pinag-uusapan nila, ako lang naman kase ang transferee sa school na to eh.


"Exactly! Hindi ikaw ang may-ari ng school na to!" tumingin sila saken dahil sa bigla kong pagsagot sa kanila.

 "So, Sorry ka kase hindi ikaw ang owner ng school na to, kaya wala kang magagawa kung tinanggap ako dito. At oo mayaman ako. Halata naman diba?" pagkatapos ngumisi ako sa kanila 

"One more thing.... Wala akong paki kung ayaw mo ko dito, as if i also want you here." mahabang sagot ko sa kanila.

Nakakasuka ang pagmumukha nila, di ko na makaya kaya napagpasyahan kong maglakad-lakad muna pero bago ako tuluyang lumabas huminto muna ako sa harapan ng pinto... "Pagbalik ko dapat wala na kayo dyan sa pwesto nyo."

"At baket?" tanong nilang parehas na mukhang asar na asar.

"Coz i dont want. Ayokong may panget na nakaharang sa harapan ko. Simple as ABC right?" i glared at them. makuha sila sa tingin! inismidan ko na sila at tuluyan ng lumabas. Di na naman sila sumagot pa at mabuti yun para sa kanila dahil baka ano pa masabi ko sa kanila kung naglakas loob pa silang magsalita.

Sa paglalakad-lakad ko napadpad ako sa harap ng music room. Hindi ko alam na may sariling utak pala ang mga paa ko dahil kahit sinasabi ng utak ko na wag pumasok ay kusang humakbang papunta sa loob ang mga paa ko. Bumuntong hininga nalang ako.

Maganda, malinis at malaki ang kabuuang kwarto. Nagmasid-masid pa ko sa loob ng kwarto, halatang mamahalin ang lahat ng gamit.

Narinig kong bumukas ang pinto sa kabilang dulo ng kwarto kaya naglakad na ko papunta pa sa isang pinto para lumabas na.

"Mimi?!" boses ng isang lalaki

Pero natigilan ako pagkatapos kong marinig yun. Ang boses at pangalan na yun... Baket? Paanong? Hindi pwede!

----

Sino si mimi ? Kanino kaya nanggaling ang boses na un ? Comment well appreciated :)

Good Girl Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon