GGGB 12

106 6 0
                                    

"Nagliligawan pa lang ba talaga kayo?" hay masasabunutan ko na to ng wala sa oras eh, nung nakaraan nya pa kase yan tinatanong. Naglalakad na kami papuntang cafeteria at huwag na kayong magtaka kung baket kasama namin sya, inggetero kase yan hahaha pero mahal namin yan.

"Adam, ilang beses ko pa bang dapat sagutin yan para matahimik na yang katawan mong amoy lupa?" kakulit kase ng isang to eh

"Eh kase naman teh, hindi gawain ng mga nagliligawan yung ano..... Something-something." maarteng sabi nya na parang may naiimagine na kung anuman. GROSS!  and kung nagtataka kayo kung sino si Adam, he's my childhood friend and Bestfriend like Ivan.

"Kung anumang something-something ang sinasabi mo eh wala! walang something-something kaya manahimik ka na" tapos binalingan ko na sila Alexis at Ivan "O kayo? tutunganga kayo o kakain na tayo?" naiinis na sabi ko, oo magkakasama kami hindi ko nga alam kung baket at paano eh @_@

"Ano sayo? Lasagna?" tanong saken ni Alexis at nagnod naman ako bilng sagot.

"Okay may gusto ka pa?" hmmmmm may gusto pa nga ba ko? tumingin naman ako sa dessert section, natakam ako sa Ice cream *Q*

"Lex, chocolate Ice cream pa." dagdag ko

sumabat naman si Ivan "Ako na bibili ng Ice cream" ngumiti naman ako sa kanya

Nagsalita naman ang magaling na kaibigan ko. "Taray! Prinsesa lang ampeg?" tukoy nya saken "Ako ba hindi nyo tatanungin kung anong gusto ko?" mataray na tanong nya samin

"Oh sige anong gusto mo?" tanong ni Ivan sa kanya.

"Ayyy taray talaga! hmmm." pumalakpak pa at saglit na nag-isip. "same nalang din ng kay Isabelle." 

Nagtinginan  naman yung dalawang kumag... este lalaki tapos ngumiti ng parang ewan "Eh di bumili ka!" tapos iniwan na kami habang tawa pa din sila ng tawa.

 Nagtataka kayo kung baket ganun si Alexis at Ivan? Well...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

ako din naman eh! Parang wala na ngang tensyon sa pagitan nilang dalawa eh.

Good Girl Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon