GGGB 11

91 5 1
                                    

"Bat pumayag ka?" tanong ko kay Isabelle pagkapasok ko sa kwarto nya.

"Oh? Akala ko makikipagkwentuhan ka pa kay daddy sa baba kaya nauna na ako." tingnan mo to, di ba nya narinig yung tanong ko? Tsk.

"No... so why?" tanong ko pa din habang nakatingin sa kanya na kasalukuyang nananalamin.

"What why?" kunot noong sagot nya tapos tumingin ng saglit sa reflection ko sa salamin.

"Oh come on! Baket ka nga pumayag?" naiinis na ko dito, parang di nya naman alam kung anong ibig kong sabihin.

Nagulat naman ako ng bigla syang ngumisi saken. "Why not? Nathe-threatend ka ba sa kanya?" sabi nya habang humahagikgik, ang sarap sana nyang pagmasdan kung hindi lang ito and dahilan ng paghagikgik nya eh.

"Threatend your face! Sa kanya?! In your dreams Isabelle!" tsaka ko naglakad papalapit sa pinto para lumabas sana kaya lang bigla naman nya kong hinila para pigilan.

"Bitawan mo nga ko, magpapahinga na ko." I said while not looking at her, ewan ko basta naiinis ako ngayon.

 "Gumwapo sya noh? Nagmature but still handsome." sabi nya habang tumatango-tango pa

"Sino? Si Darylle? Hindi noh!" pagsasalungat ko sa kanya, hindi naman kase talaga.


Kaso nga lang parang hindi nya pinansin yung sagot ko kase tuloy pa sya sa pagpuri.

"Tapos mas nabuild-up pa yung katawan nya." patpatin naman =_=

 

"Ang cute din nya sa hairstyle nya." cute? Tss Aso! hahahaha

"Ang ganda lalo ng balat nya." eh ano pa yung akin? :D

"At siguro mas gumaling pa sya sumayaw." hinayaan ko nalang sya purihin yung mokong na yon. Sus wala pa sa kalingkingan ko yun eh. Sayaw? Magaling din ako noh, kung hindi nga lang ako varsity player ng baskteball team baka kasali ako sa dance representative ng university. Maganda din ang katawan ko at kahit anong hairstyle ko gwapo pa din!

"Uy sumagot ka nga!" nakangising sabi nya saken, kanina nung sumagot ako di nya pinansin. Tss. Nagpeke nalang ako ng hikab para malaman nyang wala akong interes sa sinasabi nya at bored ako.

Good Girl Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon