GGGB 5

166 6 0
                                    

"WHAT THE HELL IS THIS?!!!!!" tanong ko sa katulong na naabutan ko.

"Aaaah--- ehhh- M-maam, B-b-breakfast nyo po." nauutal na sagot nya saken.

"Breakfast? BREAKFAST ANG TAWAG NYO DITO?!" bulyaw ko sa kanya

"Eeeh M-maam... ano po kase...ano..kase.. kase... ano po eh...."  ano ba to? puro ano eh, kung anuhin ko kaya to?!

"Ano? Puro ka ano jan! Gusto mong maano?!" sabi ko sa katulong, napayuko nalang ito.

"Sinong may gawa nito?!" sigaw ko sa mga katulong na nasa harap ko, nagsilabasan na din kase ung ibang katulong pagsigaw ko kanina. Madami akong katulong, iba ang taga-linis, taga-luto, tagalaba. Ang aga-aga pinapainit nila ang ulo ko!

Walang umaamin sa kanila, at lalo kong inakabwibwisit yun! Gaano ba kahirap sabihin ang salitang "AKO"! ha?! Sabihin nyo saken!

Mika Isabelle Kim, Hingang malalim! Qouta ka na eh, hindi ka nakatulog ng maayos, dahil dun may eyebags ka na, sumakit yung ulo mo kakaisip sa nangyai kahapon tapos ii-stressed mo pa yung sarili mo dahil sa pagkain? SA SUNOG NA PAGKAIN?! OO SUNOG! SUNOG NA ITLOG, SUNOG NA ITLOG, SUNOG NA BACON! PATI YUNG FRIED RICE MUKHANG DI NA MAKAKAIN!

"So walang aamin?" sabi ko habang umuupo sa harap ng mesa?

"Sinayang NYO ang pagkain sa bahay KO!" Alam nyo ba yun?" tanong ko sa kanila. I emphasize "nyo" and "ko"

Alexis' POV

"Ate pakitawag na si Isabelle sa taas, baka lumamig na yung pagkaen eh." sabi ko sa katulong. Maaga ko gumising para dito, pinagluto ko si Isabelle, pambawi ba? Kasi nga diba nasigawan ko sya. Sigurado ko nabigla yun tsaka hindi sanay ng nasisigawan yun, at walang sinomang nagtatangkang sigawan yun, ako palang Hahah. Pero kahit na galit ako hindi ko pa din sya dapat sigawan, lalong-lalo na sa panahon ngayon, kelangan nya ko higit nino pa man. Ayoko maramdaman nyang nag-iisa sya. Sa lahat ng tao, kung saka-sakali mang kelangan, akong ang huling taong tatalikod sa kanya, at gagawin ko lang ang talikuran at iwan sya kung sya na mismo ang may gusto at may sabi.

"Ate pakilagay na lang ho yan sa mesa para pagbaba ni Isabelle nakahanda na." Pakisuyo ko sa katulong habang nakangiti. Buh! I should be proud, first time kong paglutuan si Isabelle.

"Sigurado ho ba kayo sir? na ito ang ihahain natin para kay maam Mika?" alanganing tanong saken ng katulong. Kung nagtataka kayo kung baket Mika ang tawag sa kanya ng iba at Isabelle naman ako? Ayaw nya kase magpatawag ng Isabelle sa iba. Saken lang! :D

Good Girl Gone BadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon