Chapter 2 - Officially Yours

23 0 0
                                    

Pag pasok ko sa school siyempre maaga ako pumasok na may ngiti sa muka , apat na araw matapos ang pang isang taon na sinabi ng Doctor ng mga nakalipas na buwan tinulungan ako ni Adam at tama nga ang doctor naaalala na ni Leaya ang lahat Pero hindi niya naalala ung mga nangyari sa naka lipas na Buwan at ung naaksidente kami ay hindi din niya naaalala , para nga walang nangyari na accidente eh kasi wala talagang maalala si Leaya .

Sabi niya "Crist, Iloveyou " natuwa ako bigla, nang sinabi niya un napa talon ako at niyakap siya at sinabi kong " Iloveyou too" masaya ako dahil un nga bumalik na ang alaala niya at Hindi na puro Adam ang sinasabi niya kung hindi puro Crist Crist ang sarap sa pakiramdam.

Tapos hahawakan niya ang kamay ko tapos ngignitian niya ako At ako naman lagi kong hinahalikan ang Noo niya , para sakin kasi mas Special un kesa sa halikan sa lips at kung hahalikan ko man siya sa lips sa Harap ng Altar pag kinasal na kami.

At balitang balita ang Pagiging mag bf at gf namin ni Leaya kalat na agad sa school , Siya kasi ikinalat agad para lang wala daw mangloko sakin na panget ako kaya nga , parang mas madaming nagalit sa akin dahil isang tulad ko ay Bf nang isa sa pinaka magandang babae sa school.

Lagi tuloy naka tingin samin ang mga Studyante dito sa CHA para bang may kakaiba sa pag tingin nila talagang susundan ng mata nila ang bawat kilos namin , at lagi kaming pinag uusapan nialagay pa nga kami sa newspaper ng school na Couple of the week , Ayoko makakuha ng atensyon kaso un nga mahal ko ang babaeng kasama ko ngayon , si Leaya isang babaeng papatawanin ko at hindi papaiyakin. We will cherish the moments of being together at alam kong tatagal kami kasi alam ko sa sarili ko na siya lang at wala nang iba at alam kong mahal na mahal din ako ni Leaya.

Ayiiie ang laging sinasabi samin nila Neo habang si Christopher naman pumoporma na kay Merrie , Sinabihan ko na din si Gab tungkol Kay Claire ayun Mag sisimula na daw muna niyang kilalanin si Claire Bago daw siya mang ligaw ng totoo .

Medfyo torpe din daw siya pero sabi ko kaya mo yan , Kung ako kinaya ko edi kaya mo yan ikaw pa ang sabi ko sa kanya mas may itsura ka pa sakin eh . Ang sabi ko , Hindi kaya mas may itsura ka sakin , Oh ayan na si Claire kaya mo yan sige alis na kami ha .

" Ui wag niyo ako iwan " ang sabi ni Gab.      

"Kaya mo yan , alis na kami " ang sabi ko.

Umalis na kami at iniwan silang dalawa sa 7/11 nag punta kaming tropa sa Isang malaking Temple Si Jennifer kasi Half Chinese, kaya sinamahan namin siya para mag simba doon . 

Ang ganda ng temple malaki at kulay pula halos lahat at may ibang gold , hindi ko nga alam eh wala sa pangalan niya at hindi halata na chinese siya kasi mas muka siyang filipina na maganda.

Unang labas ng school paper namin , at nasa harapan ang picture namin ni Leaya kasi nga couple of the week , tapos iinterview pa kami kung pano daw naging kami . Syempre sinabi namin ung totoo .

Sinabi ko na din kay leaya yung totoo na inalagaan siya ni adam kasi nga sa relasyon walang secret secret kaya sinabi ko , nag sorry siya uli sa nangyari dati , sabi ko uli ok lang ang importante tayo na at masaya ako sayo at kinukumpleto mo ako . 

Sinabi ko din na may gf si adam , pero pumayag naman ung gf niya na tulungan kami para maka recover ng mabilis si leaya , at un din ang suggestion ng magulang ni leaya ngayon official na kami kasi alam na ng parents ko at parents niya na kami na , basta daw mag aral ng mabuti at wag muna mag aasawa. Syempre naman po ang sabi namin asawa? agad agad? ang sabi ni leaya , at sabay kaming tumawa .

Hindi nga kami nakapag date nung valentines kasi nga dahil sa nangyari , binayaran ng kompanya ng truck lahat ng gastusin pero kinasukahan parin sila nila dad at mom pati ng mga magulang ng tropa namin , halo halo na kami sa tropa at pinag isa na nga lang namin ang tropa namin nila leaya ginawa naming club . ang tawag namin sa club ay the Normal club , masaya mag karoon ng club kasi nag kakasundo kayo. gumawa din kami ng band ang galing kumanta ng girlfriend ko nuh ang sabi ko sa kanila . Girlfriend ko yan eh! ang sigaw ko sa battle of the bands ng school .

Bakit Kaya Ganun? 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon