Kaya mo yan Crist , ngayon ka kailangan ni leaya "wala na ba talagang ibang paraan? Pano na kami ni leaya " ang tanong ko sa aking sarili habang naka kunot ang noo at naka tungo sa kwarto .
Kailangan ko sabihin kay leaya ang totoo , pero masasaktan siya kapag sinabi ko un , sasabhin ko ba oh hindi ko sasabihin , sasabihin ko ba , oh hindi ko sasabihin . paulit ulit kong iniisip.
Kala ko happy ever after na kami ni leaya hindi pala , bakit kasi kailangan pa maging ganito bakit kailangan pang humantong sa pagkalimot . . . . . .
Biglang pumasok sa isip ko na balikan si doctor ocampo , babalikan ko siya bukas , para malaman ang mga kailangan ko pang malaman.
Tahimik ngayon sa bahay wala kasi sila , nasa hospital si mommy si daddy pati sila ate , ako lang at si kuya Guard ang naandito , siguro kaya sinama nila mom at dad ang mga kasambahay namin para matuto ako na mabuhay at tumayo mag isa actually kaya ko naman marunong na ako magluto kaya ko naman mag laba, kaya kong maglinis , pero sa dami ng kwarto dito sa bahay kakayanin ko kayang malinis lahat yun?. ang tanong ko sa sarili habang nag kakamot ng ulo.
" Maka tulog na nga lang , at bukas pupuntahan ko si doctor ocampo " ang sabi ko sa aking sarili.
Pagka gising ko ay inayos ko na ang kama ko at ilinis ng bahay tapos nagluto na ako , at sabi ko kuya guard kain na po. aalis po ako ngayon pupuntahan ko po si doctor ocampo tapos pupuntahan ko na din po sila mommy .
"Ah ok po sir ako na po bahala dito sa bahay " ang sabi ni kuya guard.
At umalis na ako papuntang hospital , Nakita ko agad si doctor ocampo dahil maaga ako umalis sa amin pag ka kita ko kay doc.
"Doctor ocampo , gusto po kita makausap sa mga kailngan kong gawin para po kay leaya tungkol po sa memory niya" ang sabi ko na punong puno ng confidence.
"Oh sige Crist, doon tayo mag usap sa office ko" ang sagot ng ni doc.
Pag dating sa office. . . . . .
"Okay Crist alam ko na mahirap para sayo to , may paraan pa kaso mag sisimula ka sa umpisa at mag hihintay ka ng matagal , hindi na natin mapipigilan ang pagka ubos ng alaala ni leaya pero , kaya ang magagawa mo nalang ay maghintay , kapag naubos na ang memory ni leaya kailangan mo uli itong mapuno uli , ibig sabihin mag sisimula ka uli sa pag kakakilala mo kay leaya , at ganun din ang gagawin ng magulang niya, at sinabi ko na ito sa kanila dati pa , mahirap to kasi mag uumpisa ka uli pero alam ko naman na kaya mo tong gawin kahit mahirap". ang sabi ni doc.
"Kaya ko po yan doc, kahit mahirap tanggapin kakayanin ko po na mag simula uli sa umpisa para po kay leaya " ang sabi ko na medyo nanghihina.
"Crist lahat ng alam ni leaya ay makakalimutan niya , kaya dapat ang mga ala ala niya ay maibalik niyong lahat lahat ng kilala niya ay dapat niyang maka salimuha , para maibalik ang memory niya, yun lang Crist un lang ang paraan mahaba at mahirap na proseso ". ang sabi ni doc,
At nag paalam na ako dahil un lang kailngan kong malaman at nag pasalamat.
Binisita ko si mommy dahil dito lang naman din siya sa hospital nag papagaling after ng panganganak .
"mom , dad andito na po ako" ang maligaya kong sabi habang binuksan ang pinto .
" Oh anak kamusta na ha?, ok na ba? nakausap mo na si doctor ocampo tungkol kay leaya , anu sabi ni doc?" ang tanong sakin ni dad.
"Makakalimutan daw po ni leaya ang lahat kailangan daw po na mag simula uli sa umpisa , kailngan ko po na mag pa kilala uli kay leaya pag sumating na po ung araw na makalimutan na niya ang lahat" ang malungkot kong sabi.

BINABASA MO ANG
Bakit Kaya Ganun? 2
RomanceBAKIT GANUN ANG SAKIT MALAMAN ng katotohanan Pero kailngan mo nalang tanggapin , May mangyayari pa atang trahedya . Bakit Kaya Ganun? 2 is The Continuation of the Series Bakit Kaya Ganun? Ngayong alam na Ni Crist ang totoo mag babago kaya ang ting...