Chapter 3 - Together

18 0 0
                                    

Pagka gising ko , sumabay ang magandang sikat ng araw medyo kulay orange ang sinag niya at Mukang magiging masaya ang araw na to . Birthday nga pala ni Anjeal ngayon 

At sana maging Productive ang araw na to , pagka bangon ko naamoy ko agad ang favorite kong ulam na niluluto ng mom ko ang Pritong Bangus yummmmmmmm haha . pagka suot ko ng tsinelas pang bahay napa talon ako dahil may naramdaman akong malambot at para bang may buntot , pag ka silip ko ay isang butiki biglang tumakbo palayo.

" Hayyyyy ang aga aga gulatan agad " ang sabi ko habang pababa ng hagdan.

"Good morning dad , good morning mom Ate's and Kuya's (driver at mga kasambahay namin)" ang sabi ko habang naka ngiti sa kanila.

"Good morning din anak , kain na oh ayan favorite mong isda " sabi ng mom ko na para bang excited na may sasabihin.

"Anak , May surprise kami sayo" ang hindi ma explain na muka ng dad ko habang gustong gusto nang sabihin sakin at mag tatalon.

"Ano po un dad? mom?" ang tanong ko sabay kamot sa ulo.

"Mag kakaroon kana ng KAPATIDDDDDD!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sabay sabay nilang lahat sinabi at nag tatalon sa tuwa , pero si mom syempre bawal kaya pumalakpak nalang.

Kaya pala parang napapansin ko tumataba ang mom ko. Minsan ko lang kasi maabutan ang mom ko pag uwian at minsan ko lang maabutan pag umaga , na hindi ko na napansin na ang laki na pala ng tiyan niya.

"Bakit ngayon niyo lang po sinabi?" ang tanong ko habang na eexcite din.

"Eh anak lagi ka kasing busy at un naisipan namin ng mom mo na ikaw maka halata"ang sabi ng dad ko na nag sisigaw parin na parang ewan lang.

"Eh bakit niyo pa sinabi kung hinihintay niyo pala na ako nalang ang maka pansin?" ang tanong ko.

"Eh kasi anak hindi na namin mapigilan ng mom mo ang pagkatuwa" ang sabi ng dad ko habang hawak hawak ako sa braso at niyuyugyog ako .

"Muka nga pong hindi niyo na maitago , anu po?" ang sabi ko na medyo natatawa.

"Oh sige kumain na tayong lahat at baka malate kapa sa school mo" ang sabi ng mom ko.

"Sooooo, mom edi naka leave kapo?"ang tanong ko.

"Oo anak naka leave ako ngayon hanggang manganak ako"ang naka ngiting sabi ng mom ko .

"Haayyyy sa wakas makakasama ko din ng matagl ang mommy ko"maluwag na pagkakasabi ko.

"hahaha Oo anak, sige na malalate kana" ang sabi ng mom at dad ko.

"Lets go Sir Ignacio? "ang sabi ni Kuya Rodolfo .

"sige po"

At un pumunta na kami sa school ang bilis mag drive ni kuya pero maiingat ayaw naman daw niya mangyari ung nangyari dati , alam niyo na ung accidente dati.

Pag dating ko sa school , ramdam ko na May kakaiba Pag pasok ko sa room ayyuuuunnnn nannnndiiitoooo na ang Mahal na mahal kong gf si Leaya 

"Leayaaaaaaaaaaa mahal ko!!!!!" ang sigaw ko habang patakbo sa kanya.

"Cristttttttttt" ang patakbong punta din niya sakin

Para bang pelikula na slow motion tapos yayakapin ang isat isa.

"Magaling kana Mahal ko?" ang tanong ko habang naka titig sa mga magaganda niyang mata na kulay Ember (yung parang brown).

"opo sir Crist , hahaha " Ang sabi niya sakin.

"Hindi dapat sir ang tawag mo sakin, Kasi ikaw ang boss ko kaya dapat tawag ko sayo ma'am " ang sabi ko kay Leaya habang pipisilin ang pisngi niya.

Bakit Kaya Ganun? 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon