Unang Yugto
Chapter 1
Masayang nag lalaro ang mga batang sina Mira, Rose, at si Ailyn ng biglang hindi nasalo ni Mira ang bola at natamaan ang vase ng kanyang Inang si Lorna.
Para ma pag takpan ang nagawang kasalanan ay winalis ni Mira ang na basag na vase. May mga bubog pa sa ilalim ng kama kaya pilit nyang winalis ito.
Nagulat sya noong may nakita syang isang maliit na baol.
Hinila nya ang baol palabas ng kama upang makita ang laman nito.
Rose: Buksan mo ng malaman natin kung ano ang laman nito.
Ailyn: Baka may laman na laruan.
Mira: Sabi ni Ina huwag ko pakikialaman ang mga gamit sa loob ng kwarto nila ni Ama.
Ailyn: Buksan na natin baka may pagkain sa loob.
Mira: Ailyn huwag.
Pag bukas ni Ailyn ng baol ay sya ding hila ng liwanag sa kanila papasok ng baol.
Napadpad sila sa kakaibang panahon.
Mira: Nasaan tayo?
Rose: Hindi ko alam. Ito kasing si Ailyn makulit.
Ailyn: Nag iba ang anyo natin.
Mira: Wow dalaga na tayo.
Rose: Oo nga.
Mira: Ang gaganda pala natin pag lumaki tayo.
Rose: Oo.
Mira: Nandito pa rin tayo sa lugar natin.
Rose: Oo at ang daming nag bago.
Ailyn: Halina kayo sa tindahan.
Nag punta sila sa tindahan ni Aleng Mariz.
Rose: Hi!
Prinzie: Oh nandito na pala kayo kanina pa kayo hinahanap ni Aleng Mariz dahil kailangan nya ng tulong nyo sa mga banderitas na gagamitin sa fiesta natin.
Ailyn: Sige.
Prinzie: Hi Babe Mwah*
Mira: Huh?
Ailyn: Bakit mo hinalikan si Mira?
Prinzie: Bakit gf ko naman si Mira.
Rose: Ha? Mag kasintahan kayo? Akala ko si Charles ang makakatuluyan nya.
Tumawa ng malakas si Prinzie.
Prinzie: Ayon si Charles sa parlor nya oh.
Ailyn: Lumaki kayong tomboy at bakla.
Prinzie: Yup. Bat ba nagugulat kayo eh matagal nyo na naman alam yan. May amnesia ba kayong tatlo at ganyan na lang kayo kung magulat. Mabuti pa sumama kayo sa akin sa bahay dahil nag luto si Ina ng tanghalian bago natin tulungan si Aleng Mariz sa paghahanda sa fiesta.
Mira: Ok.
Si Prinzie at si Charles ay kambal na tomboy at bakla. Akala nila na si Charles ang magiging bf ni Mira sa pag laki nila pero hindi pala yun ang nangyari.
Sa kasalukuyang panahon naman ay babae at lalaki sila Prinzie at Charles. Nag iba lang sila ng pagkatao sa tinakdang panahon ng mahiwagang baol.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Baol
AdventureMasarap ang maging bata lalo na kung wala kang iniintinding problema at puro laro lang ang alam mo subalit kung gusto mong malaman ang hinaharap may paraan para matuklasan mo ito at sa pamamagitan ng mahiwagang baol. Ano ang bumabalot sa mahiwagang...