Pangalawang Yugto
Chapter 4
Noong nagising si Mira ay nasa isang boarding house sya.
Mira: Prinzie?
Ailyn: Mabuti naman at gising ka na. May sinat ka kasi kagabi kaya heto inumin mo muna ng tuluyan kang gumaling.
Mira: Nasaan si Prinzie?
Ailyn: Nasa kanila.
Mira: Bakit hindi kami magkasama?
Ailyn: May pamilya yung tao paano kayo mag ka-kasama saka yung asawa non masahol pa sa tigre kung mag selos.
Mira: Asawa?
Ailyn: Oo. Di na nga tayo makalapit sa kanya dahil lagi nya inaaway si Prinzie. Oh sya sige maiwan na kita. Darating ang Nanay mo at sya ang mag aalaga sa iyo. Papasok na ako sa trabaho.
Umalis na si Ailyn at naiwan mag isa si Mira sa boarding house. Nag tataka sya kung bakit hindi sya bumalik sa pag ka bata.
Noong dumating ang kanyang Ina ay niyakap nya ito ng mahigpit at umiiyak sya.
Mira: Ina, bakit hindi kami bumalik sa pag ka bata?
Lorna: Hindi maluwag sa loob ni Prinzie ang pag pasok nyo sa mahiwagang baol kaya ibang future na naman ang nilabasan nyo.
Mira: Nasaan na sya?
Lorna: Nasa bahay nila kasama si Isabel at ang anak nilang si Jil.
Mira: Ha?
Lorna: Mas mahihirapan kang makumbinsi sya ngayon dahil selosa ang asawa nya at bantay sarado nya si Prinzie.
Mira: Yung huling future namin ay kami ang mag asawa at anak namin si Jil.
Lorna: Oo pero ngayon na bago. Kailangan maluwag sa loob nya ang pag tulong sa iyo ng makabalik kayo sa dati
Mira: Pupuntahan ko sya ngayon.
Lorna: Sasamahan na kita.
Mira: Sige Ina.
Umalis na silang mag Ina at pinuntahan nila si Prinzie sa bahay pero wala sya doon. Nag punta si Mira sa dating tagpuan nila ni Prinzie.
Prinzie: Oh best nandyan ka pala.
Mira: Pwede ba tayong mag usap?
Prinzie: Mukhang seryoso yan ah.
Mira: Babalik na tayo sa panahon natin.
Prinzie: Anong panahon? Ang wierd mo na naman. Magaling ka na ba? Dadalawin sana kita kaso laging nakabuntot si Isabel sa akin. Ngayon lang hindi dahil may check up si Jil sa doctor.
Mira: Pinag seselosan ba ako ni Isabel?
Prinzie: Oo. Pasensya ka na nga pala noong isang araw. Hindi ko mapigilan halikan ka.
Mira: Mahal mo ba ako?
Prinzie: Oo naman best.
Mira: Hindi bilang mag bestfriend.
Prinzie: Ang totoo oo mahal kita.
Mira: Bakit may Isabel na umiksina sa atin?
Prinzie: Yun ang bilin ni Ama bago sya mawala ang mapangasawa ko o manatiling pamilya namin ang pamilya nila Isabel.
Mira: Bakit hindi si Charles ang pinakasal sa babaeng yun?
Prinzie: Nag Japan si Charles. Ako lang naiwan mag alaga kina Ama at Ina. Mahal ako ni Isabel kaya pinag kasundo kami.
Mira: Ok.
Pumatak ang luha ni Mira.
Prinzie: Kung anuman ang nag papabigat ng loob mo sana makatulong ako ng mawala ito. Ayaw ko na nasasaktan ka ng ganito.
Mira: Mahal na mahal kita. Gusto ko ng bumalik sa panahon natin. Doon masaya tayo at wala tayong iniintindi na problema.
Prinzie: Tutulungan kita huwag ka na mag aalala.
Niyakap ni Prinzie si Mira at hinalikan nya ito. Tamang tama naman na dumating si Isabel at nag away sila. Bago pa man masaktan ni Isabel si Angel ay nailayo na sya ni Prinzie at umuwi na sila.
Umuwi na din si Mira at nag kulong sya sa kwarto nya. Umiiyak ito at natatakot na baka hindi na sila makabalik sa mundong kinagisnan nila ni Prinzie.

BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Baol
AdventureMasarap ang maging bata lalo na kung wala kang iniintinding problema at puro laro lang ang alam mo subalit kung gusto mong malaman ang hinaharap may paraan para matuklasan mo ito at sa pamamagitan ng mahiwagang baol. Ano ang bumabalot sa mahiwagang...