Pangalawang Yugto
Chapter 2
--Future--
Gumising si Mira. Nagulat sya at mag katabi sila ni Prinzie na natutulog. Ginising nya ito.
Mira: Prinzie ! Prinzie gising.
Prinzie: Babe, ang aga aga pa eh saka wala tayong pasok.
Mira: Nasa future tayo. Wala ka bang naaalala pumasok tayo sa baol.
Prinzie: Anong sinasabi mo? Magaling ka na ba? Inaapoy ka kasi ng lagnat kagabi.
Mira: Ok naman ako.
Prinzie: Bumangon na nga tayo at mag almusal.
Mira: Sige.Nag prepare si Prinzie ng almusal at sabay silang nag breakfast ni Mira. Ilang sandali na lang ng lumabas sa kwarto si Jil.
Jil: Daddy.
Prinzie: Aba gising na pala ang Princess ko. Oh bat sad face? Di ba sabi ko hindi ka dapat bugnutin. Smile ka na kasi pupunta tayo kay lola Lorna mo.
Jil: Ayaw ko don eh.
Prinzie: Na mimiss ka na kasi ni lola Lorna mo saka ibibigay na nya sa iyo si Nancy.
Jil: Talaga? May dog na ako.
Prinzie: Oo.
Mira: Sino sya?
Prinzie: Anak natin. Nag kasakit ka lang eh nawala na din memorya mo.
Si Jil ay adopted child nila Prinzie at Mira, 2 years old na ito at bibong bibo pa.
Tanging si Mira lang ang nakaalala na pumasok sila ni Prinzie sa mahiwagang baol. Masaya syang nakikita sila Jil at Prinzie na kumakain habang nag kukulitan ang dalawa.
Pagkatapos nila mag breakfast ay nag prepare na sila.
Noong nakauwi na sila sa probinsya ay niyakap ni Lorna ng mahigpit ang apo.
Lorna: Ang ganda talaga ng apo ko oh.
Prinzie: Makulit pa yan Ina.
Lorna: Sya nga.
Jil: Lola titignan ko si Nancy.
Lorna: Sige. Nasa likod ng bahay yun at nandoon din ang Tita Annie mo.
Jil: Ok.
Prinzie: Ah sya nga pala Babe, maiwan ko na muna kayo ni Jil dito. Pupuntahan ko lang si Ina at si Charles.
Mira: Sige.
Lorna: Prinzie bumalik ka ng tanghalian ha kasi ipag luluto kita ng paborito mo.
Prinzie: Sige po Ina.
Umalis na si Prinzie. Nag usap naman sila Lorna at Mira.
Lorna: Kahit di mo sabihin sa akin nararamdaman ko na may problema ka.
Mira: Ina kasi...
Lorna: Pinakialaman nyo na naman ang mahiwagang baol.
Mira: Makulit kasi si Prinzie.
Lorna: Hindi pa ito ang panahon nyo. Hindi kayo pwedeng manatiling matagal dito.
Mira: Paano po ba kami makakabalik sa pagkabata?
Lorna: Kung gusto nyo makabalik sa dati dapat mo mapaniwala si Prinzie na di ito ang panahon nyo.
Mira: Kung ayaw nya pumayag ano mangyayari?
Lorna: Mawawala kayo sa future dahil nilaktawan nyo ang pag laki nyo. Bata kayong pumasok sa mahiwagang baol dapat bata din kayong lumabas dito at mamuhay ng normal.
Mira: Nasaan na ang mahiwagang baol?
Mira: Nasa bodega. Hindi ka pwedeng umalis ng di mo kasama si Prinzie. Pag umalis ka mag isa wala na ang batang Prinzie pag balik mo ng panahon nyo.
Natakot si Mira sa mga nalaman nya sa Ina nya. Kailangnan nilang makabalik kaagad sa baol bago mahuli ang lahat.

BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Baol
AdventureMasarap ang maging bata lalo na kung wala kang iniintinding problema at puro laro lang ang alam mo subalit kung gusto mong malaman ang hinaharap may paraan para matuklasan mo ito at sa pamamagitan ng mahiwagang baol. Ano ang bumabalot sa mahiwagang...