Pangalawang Yugto
Chapter 5
Dumating sila Ailyn at Rose para damayan ang nalulungkot nilang kaibigan.
Ailyn: Huwag ka na umiyak.
Mira: Mahal na mahal ko sya.
Rose: Mahal ka din naman nya at nananatili ang friendship nyong dalawa.
Mira: Nandahil sa akin nag aaway silang dalawa ngayon.
Ailyn: Kasalanan ng babaeng yan dahil masaya na kayo ni Prinzie noon. Kung wala lang pag kakautang ang pamilya ni Prinzie sa kanila hindi naman sila magiging sila nyan.
Mira: Gusto ko na bumalik sa panahon namin. Tulungan nyo naman ako na makuha ntin si Prinzie at ng makabalik kami sa baol.
Rose: Mukhang di na kailangan nandito na sya oh.
Prinzie: Naku pasensya ka na kay Isabel.
Mira: Baka magalit yun sa iyo pag nalaman nyang nandito ka.
Prinzie: Hinaluan ko ng pampatulog yung niluto ko kanina. Tulog na sya ngayon.
Mira: Ok.
Prinzie: Ano ba ang gagawin natin?
Mira: Pupunta tayo sa bodega at pumasok sa baol.
Prince: Sige.
Rose: Uuwi na kami. Mag iingat kayo.
Mira: Salamat mga sis.
Umalis na sila Rose at Ailyn. Pumunta naman sila Prinzie at Mira sa bodega pero bago nila buksan ang baol ay nag usap muna sila.
Mira: Sana maluwag sa loob mo ang pag sama sa akin.
Prinzie: Oo. Nakita ko ang labis na lungkot mo kaya gusto ko matulungan kita.
Mira: Hindi na tayo mag lalakbay kundi huli na ito. Ayaw ko madaliin makita ang future natin. Madami palang problema ang pag tanda. Gusto ko panahon na lang ang gagawa ng kapalaran natin.
Prinzie: Sumasang ayon ako sa mga sinasabi mo.
Mira: Hindi ako magiging hadlang sa kaligayahan mo. Ano man ang kahihinatnan ng pag balik natin sa panahon natin ay tatanggapin ko kung di man ako ang future mo.
Prinzie: Ha? Ano ba yang mga sinasabi mo?
Mira: Sa maikling panahon minahal kita at parte ka na ng buhay ko.
Pumatak ang mga luha ni Mira kaya pinunasan ni Prinzie ito. Niyakap nya si Mira ng mahigpit na mahigpit at hinalikan nya ito habang hinihigop na sila ng mahiwagang baol papasok sa loob.
<<<<<Sa kasalukuyan>>>>
Natutulog sila Mira at Prinzie sa kwarto.
Noong nagising si Mira ay tuwang tuwa ito dahil nakabalik na sila sa pagka bata. Pinag mamasdan nya si Prinzie na natutulog.
Mira: Prinzie salamat ha at nakabalik na tayo sa dati. Kung anuman ang mga napag daanan natin sa future babaunin ko yun hanggang sa dumating tayo sa panahon na yun. Mahalaga ka sa akin at mahalaga ang bawat sandaling kasama ka.
Hinalikan ni Mira si Prinzie. Hinalikan pa balik ni Prinzie si Mira.
Mira: Huh? Gising ka.
Prinzie: Oo. Narinig ko ang mga sinasabi mo.
Mira: Ha? Naku wala lang yun.
Prinzie: Totoo yun. Hanggang sa pag tanda natin tayo.
Mira: Totoo?
Prinzie: Oo pangako.
Niyakap ni Prinzie si Mira. Mag mula noon hindi na inaasar ni Prinzie si Mira at sabay na sila pumapasok sa school. Masaya silang dalawa kapag nag lalaro sila at hindi na sila mapag hiwalay ng mga kaibigan at ka-klase nila dahil lagi silang mag kasama.
-THE END-

BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Baol
AdventureMasarap ang maging bata lalo na kung wala kang iniintinding problema at puro laro lang ang alam mo subalit kung gusto mong malaman ang hinaharap may paraan para matuklasan mo ito at sa pamamagitan ng mahiwagang baol. Ano ang bumabalot sa mahiwagang...