Unang Yugto
Chapter 3
Kinaumagahan ay pumasok na sa school si Mira pero hindi nya kasama ang mga kaibigan nya. Nakasabay nya si Prinzie at nag lalakad sila patungong school.
Prinzie: Oh bakit malungkot ka?
Mira: Maganda kasi yung panaginip ko kagabi pero hindi natapos yung pag lalakbay namin.
Prinzie: Ah ganon ba? Kasali ba ako sa panaginip mo?
Mira: Oo.
Prinzie: Kung kasali ako sa panaginip mo ano ang ginagawa ko? Binabato ba kita ng lapis at papel.
Mira: Ang sama mo talaga.
Prinzie: Aswang ka ba don sa panaginip mo?
Mira: Makulit ka ha. Ok lang ang panaginip ko masaya ako doon.
Prinzie: Ako ba di mo tatanungin kung ano panaginip ko?
Mira: Ano naman?
Prinzie: Nasa tabing dagat tayo.
Mira: Talaga ang sweet mo naman.
Prinzie: Sabi ko tayo so may mga kasama tayo sila Ailyn, Rose at Charles.
Mira: Ano naman ang ginagawa natin sa tabing dagat?
Prinzie: Gumagawa ng apoy dahil tinali ka namin sa kawayan at iihawin ka namin. Ha! Ha! Ha! Kami yung aswang at kakainin ka namin.
Mira: Ang bad mo talaga kahit kailan.
Prinzie: Joke lang ito naman. Gayon pa man eh love na love kita.
Mira: Ha?
Prinzie: Oo kasi gusto ka ni Ina maging parte ka ng pamilya namin.
Mira: Wow ang saya ko naman.
Prinzie: Dahil mapapangasawa mo daw si Charles.
Mira: Ha! Ha! Ha! yun ang magandang joke don.
Prinzie: Bakit?
Mira: Wala lang.
Prinzie: Pero kung ako ang tatanungin mo, gusto ko maging parte ka ng pamilya namin.
Mira: Bakit naman?
Prinzie: Dahil pag lumaki tayo hinding hindi mo ako iiwan at mag sasama tayong dalawa.
Mira: Bakit may gusto ka ba sa akin? Di ba nga lagi mo ako inaaway?
Prinzie: Hindi na kita aawayin pa.
Mira: Ok.
Prinzie: Baka kasi lasunin mo ako pag nag luto ka ng pagkain ko, sunugin mo ang damit ko pag nag plantsa ka at hindi mo na ako pagsisilbihan.
Mira: So ang ibig mong sabihin pag lumaki pala ako katulong mo lang ako?
Prinzie: Ang galing mo talagang mang hula.
Mira: Baliw ka talaga.
Tumakbo si Prinzie at hinabol naman sya ni Mira at umakyat si Prinzie sa puno ng mangga. Hindi umakyat si Mira kundi pinabayaan nya si Prinzie doon.
Masaya si Mira dahil kahit na sandali lang sila ng mga kaibigan nya sa hinaharap ay nalaman nya kung ano ang mangyayari sa buhay nya.
Mag mula noon kahit na inaasar o kinukulit sya ni Prinzie ay ok lang sa kanya. Naging mas closed silang dalawa at sabay pumapasok sa school.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Baol
AdventureMasarap ang maging bata lalo na kung wala kang iniintinding problema at puro laro lang ang alam mo subalit kung gusto mong malaman ang hinaharap may paraan para matuklasan mo ito at sa pamamagitan ng mahiwagang baol. Ano ang bumabalot sa mahiwagang...