Pangalawang Yugto
Chapter 3
Hindi pa nakakabalik ng tanghali si Prinzie kaya pumunta na si Mira sa bahay ng Ina ni Prinzie.
Noong nakarating na sya doon ay ka-kwentuhan ni Prinzie sila Isabel, Lanie at Charles.
Prinzie: Oh Hi Babe, nandito ka.
Mira: Hinahanap ka na kasi ni Ina.
Prinzie: Ok sige aalis na tayo. Sige guys mauna na kami.
Isabel: Balik ka mamaya ha.
Prinzie: Sige.
Umalis na silang dalawa. Walang imik si Mira habang si Prinzie naman ay kwento ng kwento.
Pagkatapos ng tanghalian ay pumunta silang mag anak sa dating tagpuan nila ni Mira at nag latag sila ng kumot at nag palipas sila ng oras doon.
Sariwa ang hangin at nasa tabing sapa sila. Nakatulog si Jil kaya sila ni Mira at Prinzie ang nag kwentuhan.
Mira: Kailangan na natin makabalik sa panahon natin.
Prinzie: Ano ba kasi yang panahon na sinasabi mo?
Mira: Pwede bang maniwala ka na lang sa akin.
Prinzie: Ok sige. Napapansin ko kanina ka pa balisa. Ano ba kasi ang problema?
Mira: Yung Isabel na yun kung maka akbay sa iyo para kayong mag ka relasyon.
Prinzie: Ano ka ba naman. Mag ka-kaibigan tayo noon pa di ba? Hanggang ngayon pinag seselosan mo pa rin sya.
Mira: Hindi friends ang turing ng babaeng yun sa iyo kundi may gusto sya sa iyo.
Prinzie: Alam naman nya na mahal kita at hindi na yun mag babago pa kaya sana huwag ka ng mag aalala.
Mira: Ok.
Ilang sandali na lang ng may tumawag kay Prinzie sa celfone nya at masayang masaya sya noong sinabi ng boss nya na promote sya. Sa states na sya mag ta-trabaho at pwede nyang makuha ang pamilya nya para manirahan doon.
Lalong nalungkot si Mira dahil hindi na sila makakabalik sa dati kung aalis na sila ni Prinzie papuntang States.
Noong gabi na ay maaga nyang pinatulog si Jil. Hindi naman sya makatulog kaya nakaupo lang sya malapit sa bintana.
Naalimpungatan naman si Prinzie at ramdam na di nya katabi si Mira kaya kinausap na nya ito.
Prinzie: Babe, whats wrong?
Mira: Ayokong umalis ng bansa.
Prinzie: Ok kung ayaw mo ok lang hindi kita pipilitin.
Mira: Ok lang kung iiwan mo kami ni Jil.
Prinzie: Hindi ko naman magagawa yun. Alam mo na kayo ang buhay ko.
Mira: Kailangan na natin kasi makabalik sa panahon natin.
Prinzie: Ok sige para matahimik ka na paano ba natin gagawin yan?
Mira: Tara sa bodega nandoon ang mahiwagang baol.
Prinzie: Iiwan ba natin si Jil?
Mira: Oo. Makakasama naman natin sya sa future natin.
Prinzie: Ok.
Pumunta silang dalawa sa bodega at nakita nila ang mahiwagang baol. Binuksan nila ito at sabay nahigop sila ng liwanag nito.
Umaasa si Mira na babalik na sila sa dati nilang anyo at sa panahon nila. Pinag bigyan lang ni Prinzie si Mira dahil ayaw nyang nalulungkot ito pag di sya sumusunod dito.
BINABASA MO ANG
Ang Mahiwagang Baol
AdventureMasarap ang maging bata lalo na kung wala kang iniintinding problema at puro laro lang ang alam mo subalit kung gusto mong malaman ang hinaharap may paraan para matuklasan mo ito at sa pamamagitan ng mahiwagang baol. Ano ang bumabalot sa mahiwagang...