Maddison Chen has been living in the past for years. Sa loob ng mahabang panahon ay nakakulong siya sa nakaraang hindi niya magawang iwan. She has been in love for a stranger from her senior year in highschool. She was trapped in a stranger's kiss. Maddie believed in a vague promise from a complete stranger. She hoped for his promise to come back. Pero hindi ito bumalik. Ngunit hindi magawang mapagod ng kanyang puso sa paghihintay.
Sa mga panahong naghihintay siya ay dalawang pagkakataon niyang nakita ang isang lalaking kamukha ng lalaking kanyang hinihintay. At sa tuwing nagtatama ang kanilang mga mata ay tila ibinabalik siya sa nakaraan.
Pero bakit tila hindi siya natatandaan ng lalaki? Gayong sa ikatlong pagkakataon ay nakita niya itong muli. Nakatayo sa mismong lugar kung saan siya hinalikan.
Sa ilalim ng orasan.
Suot nito ang hooded jacket niya.