CHAPTER 1

61 3 0
                                    

HUMAHANGOS na inaakyat ni Maddie ang hagdan ng train station. Mahuhuli na siya sa unang klase niya. Pangatlong late na niya ito kung sakali sa unang buwan pa lamang ng klase. She couldn’t afford any more lates. Mapapagalitan na naman siya ng adviser niya na ipinaglihi yata sa kunsumisyon noong ipinagbubutis ng ina nito. Maririnig na naman niya ang matinis na tinig nito na puma-falcetto na wala sa tono. Hindi naman ganoon kalayo ang escuelahan niya. Maaari naman siyang sumakay ng dyip. Nanay niya lang ang nagpupumilit sa kanya na sumakay ng tren dahil mas pakiramdam daw nito ay mas safe siya.

            She rolled her eyes. Mayroon pa bang safe sa taong gusto talagang gawan ang isa ng masama? Minsan nga ay tirik na tirik ang araw ay may mga kalunos-lunos na krimeng nagaganap. Habol-hininga siya nang makarating siya sa istasyon. Kinuha niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang butil-butil na pawis sa kanyang noo. Pumila siya upang bumili ng ticket.

            Ito na ang huling taon niya sa highschool. Nasasabik na siyang magkolehiyo. Ang totoo ay hindi pa niya alam ang kursong kukunin. Ang payo ng nanay niya ay kung ano ang sa palagay niya na magiging masaya siya.

            “Mag-artista na lang kaya ako?” aniya sa sarili. Natawa siya sa sarili niyang joke. Paano siya mag-aartista gayong napakamahiyain niya?

 Nang makitang umusad na ang nasa harapan niya ay ihahakbang na sana niya ang kanyang mga paa nang biglang may bumangga sa backpack niya.

            “Ouch!” Nilingon niya ang nasa likuran. Tatarayan na sana niya ang kung sinuman ang bumangga sa kanya nang makita niya ang mukha nito.

            Okay. Breathe Maddie. One...two...three. Inhale. Exhale. Ginamit niya ang dalawang kamay para maging pamaypay. May guwapo sa likuran ko! What shall I do?

            Mabilis siyang tumingin sa harapan niya at ngumiti. Inayos niya ang kanyang buhok. Naglaho na ang lahat ng iritasyon sa katawan niya. Personipikasyon ng kaguwapuhan ang nasa likuran niya! At kahit siguro banggain siya nito ng pitumput-pitong ulit ay ayos lang sa kanya.

            “Miss ikaw na.”

            Napapitlag siya nang marinig ang tinig ng babae sa may counter. “Sorry po,” aniya at nagmadaling lumapit sa bintana. Kaagad niyang kinuha ang wallet at kumuha ng pamasahe. Pagkaabot sa kanya ng card ay naglakad na siya papunta sa hintayan ng tren. Pasimple pa niyang nilingon ang lalaki kanina. Ang kaninang pagod na nararamdaman ay nawala at tinalo pa niya nakainom ng Cobra dahil sa laksa-laksang energy na nagsisirko sa sistema niya.

            Tumayo siya malapit sa may yellow lane at nilingon ang panggagalingan ng tren. Mula sa direksyong iyon ay nakatayo roon ang lalaki kanina. Naka-slacks ito ng itim at white T-shirt. Habang ang polo nito ay nakasabit sa balikat nito. Napanguso si Maddie.

            “Estudyante kaya siya?” tanong niya sa sarili. “Masyado naman siyang matanda kung nagtatrabaho na siya.” Humawak siya sa strap ng bag niya at in-adjust iyon.

            Ugong ng tren ang nagpaalis sa isip niya sa lalaking tinitignan. Pagkahinto niyon sa kanyang harapan ay bumukas ang pinto niyon at saka siya pumasok. Agad siyang naupo at kaagad na hinanap ng mga mata ang lalaki. Nakatayo ito at ang isang kamay ay nakahawak sa bakal. Hindi niya maintindihan ang sarili. Tatlong taon na siyang sumasakay ng tren. Sa loob ng tatlong taon na iyon ay iba’t-ibang mga tao ang mga nakakasabay niya. Pero bakit sa partikular na lalaking ito siya nagkaroon ng interes?

            Kinuha niya ang cellphone at nagtext kay Tricia, ang kanyang BFF.

            I saw a guy way beyond Prince Charming! Text niya na puno ng emoticons.

The First Time I Loved ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon