"I'm sorry, Jia.." He couldn't look at me while he was saying those words. "I can't do this anymore. Ayokong lokohin ka." Nahihiya? Oh talagang mahiya dapat siya. I gave him everything. I gave him every fucking things he wanted.
"Naloko mo na 'ko." Im burning mad right now. Kumbaga, napatalikod lang ako may iba na siyang kalandian. Sinong matutuwa dun? "Sana di mo na lang ako niligawan, GAGO!"
Sinigawan ko siya saka tumakbo palayo. Buti na lang at walang masyadong tao ngayon. Babalakin ko pa sana sipain yung kalalakihan niya ng mabaog siya.. pero hindi. Ayokong lumapit sakanya, Baka matuluyang patayin ko siya at di mapigilan ang sarili ko.
Woooo! Mapapamura ka na lang talaga!
My boyfriend cheated on me. Bestfriend ko pa talaga nakuha niyang tirahin!
Tumakbo ako sa lugar kung saan walang makakakita saakin o makakarinig kung ano mang gawin ko and by that, ibig sabihin sa likod ng university.
Wag mong isiping magpapakamatay ako. No, not because of him at lalong NOT BECAUSE OF THEM.
"TANGINA NYONG DALAWAAAAAAAAAAAAAAA!!!!" I shouted sa kung hanggang saan kaya ko. And to my surprise, mas malakas na siya ngayon kesa sa nung nasa highschool pa lang ako (nung hindi ko naging kadate yung crush ko sa prom)
"KAKARMAHIN DIN KAYO!!!!! DI KAYO MAGTATAGAL TANGA!!!" I shouted once again. Sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa sumakit lalamunan ko. Hindi ko aakalaing maloloko ako ng isang yun! He caught me off guard! Hindi naman kagwapuhan! Nakakaburyo pa yung paa! Akala mo paa ng mandirigma e! "MARUNONG KA LANG SUMAYAW PERO DI KA GWAPO!!!!!!"
Gusto ko silang sampaling dalawa. Pero gusto ko ipakita sakanila na kaya kong wala sila, na wala akong paki sakanila, na hindi ako naapektuhan sa mga ginagawa nila. Inaalala ko lahat ng masasamang bagay na ginawa nila sakin, na kaya pala ginito ganyan dahil may relasyon sila. Inisip ko lahat ng bagay na ikagagalit ko sakanila.. dahil alam kong kung titigil ako kakaisip sa mga bagay na yun. Iiyak ako. Magiging mahina ako. Ako ang talo. Mas mabuting nang magalit kesa nasasaktan.
"Hindi ako iiyak." Sabi ko sa sarili ko. Kahit na sa totoo lang unti-unting gusto kong mamatay. Ayoko umiyak. Hindi ako ang talo. Hindi ako naloko. Hindi ako naapektuhan..
Hah. Sino bang niloko ko? Gustong gusto ko nang umiyak. pero pride na lang natitira sakin.. yun na lang ang meron ako.. Wala na kong bestfriend.. wala yung taong pinaglaanan ko ng lahat..
At dun na, dun ko na naramdamang pumatak ang luha ko. Pero agad kong pinunasan to. Kahit walang nakakakita.. Kahit walang nakakaalam.
"Shet bumalik kayo!" Utos ko sa luha ko. Parang gago lang e no? Utusan ba naman yung luha? Ganto ba talaga pag nasasaktan? Nababaliw? Hah.. I smiled bitterly. Sana nga nabaliw na lang ako para di ko na to mararanasan.
But my tears betrayed me, they just keep going out. Parang ilog na walang katapusang pagbagsak ng tubig galing sa mata ko.
Hindi ko alam kung sino saming tatlo ang dapat sisihin. Si Xander na boyfriend kong niloko ako gamit ang bestfriend ko, Si Cheska na bestfriend kong pumatol sa boyfriend ko, O ako.. Jiane na nagtiwala at nagpaloko sa kanilang dalawa?
Okay let's face it, Magkaiba talaga kami ni Cheska. We're total opposite. MAS siya saming dalawa. Mas matalino, mas mabait at mas gusto ng iba. Kung papipiliin 70% siya ang gugustuhin dahil muka siyang anghel.
PERO TANGINA, Di naman ako mukang devil! Okay, I take back what I said. Hindi kami total opposite. It's safe to say na mas nakakalamang siya sakin ng ilang paligo!
Sabi nila, siya daw yung tipong magugustuhan ng lahat. Dahil isa siyang tunay na babae.. May delikadesa at maayos tingnan at mahihin... (daw?) Kumpara sakin na outgoing, at masyadong maingay, malakas kumain, at nakakapagmura. Dahil na rin siguro sa isang anak na babae sa pamilya. but still!! Hindi naman rason yung maingay, malakas kumain, at marunong magmura para lokohin ako.
I looked away, at somewhat point parang nakita ko yung muka ni Cheska. "Bitch ka! Akala ko kilala kita!"
Sa totoo lang, wala akong guts para magalit kay Cheska.. Kahit niloko niya ako. Bestfriend ko pa din siya.. mas matagal ko siyang nakilala at nakasama kesa kay Xander..
Nasasaktan ako, hindi ako nagagalit. Kabaliktaran ng kung anong dapat kong maramdaman..
Napahinto ako ng may maramdaman akong tumama sa may bandang leeg ko.
Isang paper airplane.
Sinong gago na naman ba at lakas makapanira ng moment?!
Siguro galing lang to sa highschool department at may kung sinong bata ang nagpalipad neto. I took the paper..pero laking gulat ko ng may nakasulat sa loob nito.
You deserve the best. You're beautiful
------------------------------------------------------------------------------------
Park Chorong as Jiane. Mahal na mahal ko siya to the point na willing akong ipahiram sakanya ang bias ko. (Ipahiram talaga eno?)
No second look. Sorry sa typo o anuman!