7

23 1 0
                                    

Let's talk about what happened, I'll be waiting outside your building. -x

I've been staring at the sticky note at my hand, at isa lang nasabi ko: PUTANGINA, ANG KAPAL.

"Hah!" I let out a bitter laugh without a trace of any humor. Grabe ha? Wala na naman akong pake eh. Kung nanahimik na lang siya edi sana nakalimutan ko na yung pinagagawa nila. This thing-- this sticky note doesn't really help anything at all! Pinaalala niya lang lahat sakin. Yun pa nasa isip ko imbis na yung..... landian namin ni Tatan. ay? HAHAHAHAHAHA.

Napabuntong hininga na lang ako. Might as well get over it. Forgive and forget na daw eh. Wiiieeee!! :">

Pero seriously. I should really reallllyyyy move on ngayong may makakapitan na ako. Balita ko naman na Tatan is not seeing anyone right now eh.

Masaya na naman ako all in all. Wala lang yung wapoise kong drama last chapter. HAHA. Pero the key to be happy is to forgive daw. kaya ngayon, I decided to talk to him.. or them. Kung kasama nga naman niya si Ches.

Siguro ngayon kaya 'ko na magforgive.. kaya ko na makalimot..

Oo, di mawawala sakin yung magagalit ako sakanila pero diba nga daw? Kasama yun sa pagmumove on. One day, aallllll this thing will be a lesson to me.

Napatigil ako sa rants ko ng may pangit na tumabi sakin. Kahit di ko lingunin, by the smell of his perfume alam ko na kung sino yun.

"Jiaaaa," Napalingon ako sa katabi ko. and there, kabastusan talaga. Pagkaharap na pagkaharap ko napoke yung pisngi ko ng daliri niya. Nako kung wala lang ako sa mood. :""> Hihi.

"Letse Tatan." Wag kayo magulo, kinikilig ako. Waha. Naging hobby ko na rin siguro yung pagiging masungit sakanya.. uhm.. more like, hard to get. Hahaha. sarreh? okay? sarreh.

"Lunch?" sabi niya. "Libre mo 'ko." Lumaki ng ilang centimeters yung labi niya tapos yung mata niya lalong nagchinito, yung ngipin niyang nakalabas lahat kapag ngumingiti siya.. Haixth, Tatan. What have you done?

"Muka mo! May dadaanan ako." sagot ko sakanya.

Nakita 'kong kumunot noo niya, abah. Neknek niya. Babae pa manlilibre sakanya ha? Di ko na lang pinansin tapos ilang minutes pa nagbell na para sa lunch. Di ko na siya pinansin tapos lumabas ako kaagad. Wag nyong isipin na gusto ko na makita si Xander, gusto ko lang na tapusin agad yung paguusapan namin.

At tulad nga ng sinabi niya sa note, nasa labas siya ng building namin. Lumapit na ako sakanya-- kahit hindi ko alam kung pano siya iaaproach.

"Uhm..." Mahina lang pero mukha namang narinig niya dahil napatingin siya sakin.

With his simple white shirt, ang gwapo niya. Kahit siguro basahan lang saplot neto pantago sa tutut niya eh, magmumuka pa rin siyang model. Okay fine, gwapo siya. Sino bang di mahuhulog sa ganyan? Kung mahal ko pa rin siya, I'll still fall inlove with him every day. Fall even harder, everyday.. Pero thaaaat was long ago before I knew his true nature.

"Let's go?" Sabi niya.

Anong let's go? Luh.

"Can't we just talk about it here?"

"Well..you see." Tumingin siya sa palagid namin at nakita ko kung ilang malisosyong mata ang nakatingin samin. Oo nga pala, sikat si Xander. 

Nagnod na lang ako at sumunod sa kung lupalok man niya ako dalhin.

Sayang naman, gusto ko pa naman siyang pahiyain. Sisigaw ako ng 'NILOKO MO KO' with matching pabebeng iyak. Ilang beses kong napanuod sa mga tv yun, haha. magandang experience kaya yun? Yung pagtuonan ka ng pansin ng lahat? Ay goodluck na lang talaga kung makasurvive ako sa atensyong bibigay nila.

"Aray!" Napasigaw ako ng tumama ako sa harap ng isang pader. Joke, si Xander lang yun. Biglang huminto.

Humarap siya saakin, "Jia." he said with a very low tone na parang paiyak na naewan. "I'm sorry."

Tas ayun na nga, umiyak si kuya. ABAH, I'm the one who supposed to be crying! Siya na nanloko, siya pa umiyak. I've never seen any dramas like that, bah nakakaamaze pala agawan ng moment ng manloloko yung bida.

"I know I'm wrong. At alam kong di sapat ang sorry sa lahat ng kasalanan mo."

AY BUTI ALAM MO. pero syempre di ko sinabi yun. If he did this nung mga panahong yun? I would have considered this. Pero putcha! Wala na! I've waited for this moment, akala ko magiging masaya ako pag gumanto siya sa harap ko. pero bagkus, wala akong naramdaman. Kahit awa because I know better. Mas kilala ko na siya ngayon.

"But If you would give me chance.. Iiwan ko si Ches para sayo. Let's start a new. Me and you..Please.." dagdag daw.

Ahhh. Tangina pala neto eh. Grabeeehh, lakas! Di ko kinaya yung hangin.

"A-" I was about to say, 'ayoko na' but someone interrupted me,

"MAHAL!"

Mahal daw? Napatingin ako kung sino... ah, si Tatan lang pala. Mahal? Sinong mahal niya? si Xander? NGAYON SI TATAN NAMAN? Napatingin ako kay Xander. Tapos biglang napatingin din ulit ako kay Tatan.

PUTCHA SI TATAN NGA!

Palapit siya ng palapit samin. Sinong mahal ba?!

At nung makalapit na siya, agad niya akong hinakbayan. "San ka ba galing mahal?"

Nakatulala lang ako sa kanya habang ang lapit lapit niya sakin. Sinong mahal? Sino kausap niya? Ako ba? Ako ba si mahal?

Iniharap niya ako sakanya tapos pinagpagpag yung damit ko, "Diba sabi ko naman sayo wag ka makikipagusap sa.." Bigla siyang huminto sa pagsasalita at tumingin kay Xander, "Basura.."

Napatingin din ako kay Xander na sobraaang pula na ng tenga. Ganyan yan kapag napapahiya na eh. Di 'ko napigilan mapangiti. I know, I'm rude. Bakit? Tapos ng ginawa niya, walang bawi? Hahaha.

"Sorry mahal.." Sumakay ako sa trip ni Tatan. Ahh, may pakinabang pala tong pangit na to eh. "Tara na?"

Hindi 'ko na inantay yung sagot ni Tatan at saka hinablot na siya sa kamay. Lumayas ako sa harap ni Xander ng may ngiting tagumpay sa mukha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paper AirplanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon