3

26 0 0
                                    

It's been 1 week nang may mysterious airplane airplane ang nattanggap ko na trying to comfort me.

and somewhat point, nacomfort nya naman ako. nyahaha.

Pero hindi ko pa rin talaga alam kung sino yon.

I mean, look at me. right now. 

Everyone would probably hate me because of Xander..

Pero siya, iba siya. It's like having a new bestfriend..

I smiled at the thought, It's been a while isn't it? Since the last time I became happy.. Yung di puro senti na lang. Isang buwan din akong nagdrama-drama no. But I can't say that I totally moved on about it. Di ko na lang iniisip, iniiwasan pag nakikita, nagbibingi-bingihan ako.

Tama nga naman. Bakit ko nga ba inaaksaya yung luha ko sa taong niloko lang ako?

Kinuha ko yung libro kong gagamitin ko sa locker para sa next subject namin. Napatingin ako sa gilid nang mapansin kong Feb 01 na.

2 weeks na lang valentines na..

Then the flashbacks came in, last feb 14, May contest sila nun. Tapos nung matapos yung contest, laking gulat ko ng yung mga kagrupo niya isa-isa akong dinalhan ng sunflower. My favorite flower. Tapos hanggang siya na magbigay. Minadali niya lang yun. Pero worth it. Daig ko pa prinoposan.

Punyeta nga naman. Kakasabi ko lang na medyo nakamove on na ko. Now, it feels like stepping backward and taking back what I said..

Bakit ba lagi na lang ganto? Joke lang ba yun?

"So.. Since malapit na ang valentines...." Sabi ni Pres, "What about we do a singing portion kemedu?"

"Alam nyo yun? Parang may idededicate kayong kanta sa sa certain person, yung mga lihim na pagtingin, o kaya gusto nyo magsorry, o gustong sabihin idaan natin sa kanta?"

Nakapalibot kami ngayon sa room, naguusap para sa darating na event sa valentines. eh syempre, papahuli ba kami?

"Yuck. Corny. Kainis." Tuloy tuloy na sabi ng lalaking nasa likod ko. Napatingin ako. Si Tatan lang pala to. Syempre, sino pa bang atribida dito? "Pero game ako dyan." Ngiti nyang sabi.

"Tss" Pabulong ko. Sus, If I know papasikat lang yan sa mga babae. Porke't magaling kumanta. Kala mo talaga e no?

Tiningnan niya ako, no. scratch that. He's staring at me.

"What?" taas kilay kong tanong. "Alam kong crush mo ko."

Akala ko babasagin niya ako pero narindi ako sa narinig ko. "Buti naman, hindi na 'ko mahihirapan umamin."

Sa bigla ko, I slapped him a book.

But he just laugh. Omg. This person! Why is he--- ugh!

I walked out at dumiretso sa cr. Bwisit na Tatan to. Binigla nya na naman ako. Iba na talaga yung talent niyang manira ng araw.

I washed my face. The hell with the concealer and foundation?! Eh sa sobrang namumula ako.

Teka, manira ng araw? si Tatan? Eh bakit nakangiti ako ngayon?

I found myself smilling infront of the mirror. Bwisit talaga. Kupal!

Bumalik ako para iba yung libro kong pinangsampal kay Tatan, and to my surprise, nandoon yung paper airplane na halos isang linggo kong inaantay.

I wonder what's is written on it this time...

"Don't you ever feel less than perfect."

Huh? Lyrics to ng kanta ah?

--------------------------------------------------------------------------------------------

Xander as Kai

Paper AirplanesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon