SPECIAL CHAPTER 1: Second Day

34.2K 550 44
                                    

A/N: Dedicated kay Lian! Thank you so much for the book cover nitong ABMMN1: After Marrige. I love it, promise! hahaha!

ABMMN1IMH READERS! Namiss ko kayo! At alam ng mayabang na si Nathan na namiss nyo rin ang kanyang KAYABANGAN AT KALANDIAN, na ayon naman sa kanyang bokabularyo ay KAGWAPUHAN AT KASWEET-AN. Hahahaha! Anyways, ito na nga! Unang special update ko!

ANO NGA BANG NANGYARI KINA NATHAN AT MILES AFTER THE RECEPTION AND THEIR UNFORGETTABLE FIRST NIGHT IN THEIR WEDDING?

KUNG NASIRA ANG FIRST NIGHT NILA, WALA PA RING MAKAKAPIGIL SA HONEYMOON NINA NATHAN AT MILES SA SECOND DAY! HAHAHA! XD

WARNING! MEDYO MARAMI PONG 'PAGMUMURAHAN AT PAGMAMAHALAN' SA UPDATE KONG ITO KAYA PARENTAL/SISTER-AL/BROTHER-AL (joke yang sa sisteral at brotheral! ni-pattern ko lang sa parental eh. XD) GUIDANCE IS ADVICE. SO, READ AT YOUR OWN RISKS AND ENJOY READING, GUYS! ^______^

~~~~~~~~

SPECIAL CHAPTER 1: Second Day

MILES' POV

"Bull sh*t! Damn them all!"

Naalimpungatan ako nang iyan agad ang marinig ko. At kahit di ko imulat ang mata ko, alam kong si Nate ang naririnig kong nagsasalita. Or should I say, sumisigaw at nagmumura.

"Talagang ayaw nilang sagutin ang tawag ko ha? Sige lang. Subukan lang nilang magpakita sakin, talagang sasamain silang lahat sakin. Sisiguraduhin kong wala na silang GAGONG MUKHA na ihaharap sakin. PATI MATA NILA, MAY LATAY! Tsk."

Kinukusot ang matang bumangon ako at umupo. Nakita ko si Nate na nakatayo at malapit lang sa kama. Bakas sa mukha niya ang pagkainis at pagkaasar dahil sa sobrang pagkakakunot ng noo niya at panggigigil sa hawak niyang phone habang may idina-dial doon.

"Damn it. Talagang walang sumasagot ni isa sa kanila, ha? At alam nilang ha-hunting-in ko sila oras na magising ako. Talagang plandung-planado nila iyon, ha? Tsk."

"Nate," inaantok pang tawag ko sa kanya. Halos madaling-araw na kasi ako nakatulog kanina. Hindi kasi ako mapakali sa sobrang init na naramdaman ko kagabi. Para bang nagliliyab at nag-aapoy ang buong katawan ko. Kahit sobrang tagal ko ng nagbabad sa shower at bathtub kagabi, parang walang talab yung malamig na tubig sa katawan ko. Maski yung aircon, walang epekto sakin.

"Dapat naisip ko na agad na hindi matino ang magiging regalo nila dahil hindi naman sila magandang impluwensiya sa buhay ko. Na maski kasal ko kay Mine ay hindi nila papalagpasin para pestehin ako. Mga gago talaga ang mga hinayupak na yun," patuloy niyang paglilitanya habang nakatingin at dumudutdot pa rin sa phone niya.

"Nate," muli kong tawag sa kanya.

"Hindi ako makapapayag na sinisira nila ang pagsisimula ng buhay may-asawa ko. Humanda silang lahat sakin. Lintik lang ang walang ganti. Gagawin ko ring miserable ang mga buhay nila."

Nice. Hindi niya pa rin ako pinansin. Muli ko siyang tinawag, pero patuloy lang siya sa pagsasalitang mag-isa. Minumura niya pa rin ang mga kaibigan niya. Pero ilang sandali pa, hindi na ko nakatiis.

ABMMN1: After Marriage ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon