A/N: Dedicated kay AppleSababan! Isa ka rin sa mga nagmarathon ng stories ko kaya super-duper thank you po sa pagbabasa! :)
ENJOY READING THE SPECIAL UPDATE, GUYS! ^____________^
~~~~~~~~
SPECIAL CHAPTER 2: Ang Paglilihi (PART 1)
NATHAN'S POV
"Kainin mo."
Saglit akong natigilan, bago ngumiti sa kanya. "You're kidding, right?" Baka kasi nagkakamali lang ako ng dinig.
"No. I'm not kidding. Kainin mo yan," nakangiti pang sabi niya sakin.
"Hehehe. Mine, ikaw ang nagugutom satin, diba? At itong ginawa ko ay para sayo kaya ikaw ang kumain nito," nakangiti ring sabi ko sa kanya.
"Nabusog na ko habang pinagmamasdan kitang gawin yan. Kaysa masayang lang yung effort mo at yang pagkain, ikaw na ang kumain, Nate. Mukhang masarap naman yang ginawa mo eh."
Ang ngiti ko ay napalitan ng ngiwi. Napatingin ako sa pagkain bago tumingin sa mukha niya. At nakakaloko lang ang ngiti niya sakin. Muli akong tumingin sa pagkaing ginawa ko bago napalunok. Kaya ko bang kainin 'to? mahinang bulong ko sa sarili ko.
Ala-singko pa lang kaninang umaga, ginising na ko ni Mine para humingi sakin ng breakfast. Ganadong-ganado ako kanina habang ginagawa yun sa kusina namin. Bun, beef patty at mayonnaise lang naman ang main ingredients nun eh. Bibigyan ko na lang ng BIG HUG at FRENCH KISS si Mine para kumpleto na yung breakfast niyang HAMBURGER WITH FULL OF LOVE na hinihingi niya sakin.
Pero asong-kalye at pusang-gala naman! Pinadagdagan niya sakin ng sandamakmak na hot sauce, siling-labuyo, sibuyas, bawang at paminta itong burger na pinagawa niya tapos sa akin niya ipapakain? Anak ng! Hindi ko pa man ito natitikman, napapamura na talaga ako. What more kung kinain ko na 'to? Baka hindi na ko bumili ng mga panglutong iyan sa sobrang pagkasuklam ko sa mga iyan. Tsk.
Muli kong tiningnan si Mine at tiningnan siya ng may pagmamakaawa. Baka-sakaling magbago pa ang isip niya. Pero nung makita ko ang nakangisi niyang mukha, mukhang seryoso talaga siyang ipakain sakin itong HAMBURGER WITH FULL OF CURSE na sa aking paningin.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga at muling napalunok habang inilalapit ko sa bibig ko yung burger. At mariin akong napapikit at naikuyom ang kamao ko nang sa unang kagat ko pa lang ay malasahan ko na ang TINDI NG LASA nito. Ni hindi ko magawang nguyain kaya pilit ko na lang nilunok ng buo yung pagkain.
"Nate, mukhang masarap ah? Hindi mo na nginuya yung pagkain. Sabi na eh! Ang galing mo talagang gumawa ng breakfast. Ubusin mo yan, ha?" parang nang-aasar pang sabi ni Mine.
Pinigilan kong makapagmura at sa isip ko na lang iyon ginawa. Tumango-tango na lang ako kay Mine at nag-thumbs up sign sa kanya. Hindi ko rin magawang magsalita dahil baka lumabas lang sa bibig ko yung kinain ko.
BINABASA MO ANG
ABMMN1: After Marriage ✅
HumorALWAYS BE MY MISS NUMBER 1 SPECIAL CHAPTERS (MGA EKSENA AT BUHAY-MAG-ASAWA NINA NATHAN AT MILES BEFORE THE EPILOGUE IN ABMMN1 BOOK 2)