A/N: This special chapter is for you, Angel! Sorry kung medyo natagalan itong prize mo sa guessing game ko last last time. Hahaha! You know, medyo busy kaya madalang makapag-update. Anyways, maraming salamat sa patuloy mong pagbabasa sa mga stories ko at pagiging active sa fb group! Sana po ay magpatuloy iyon. Hehehe! :)
This will be my LAST SPECIAL UPDATE sa buhay mag-asawa nina Nate at Miles. At gusto kong magtapos ito sa POV NI NATE kasama ang mga GORGEOUS FRIENDS niya with the GORGEOUS TWINS! Mababasa at matutunghayan nyo kung paano magiging MAGAGONG IMPLUWENSYA ang tatay at ang mga BO sa kambal. Hahaha!
PAALALA LANG PO! MEDYO MAY MGA BASTOS AT HARSH WORDS DITO. ALTHOUGH, PANGKATUWAAN LANG NAMAN AT PARA SA KATATAWANAN KUNG BAKIT KO GINAMIT ANG MGA WORDS NA YUN. PARA DAMANG-DAMA NYO TALAGA! HAHAHA! ALTHOUGH, PARENTAL GUIDANCE IS STILL ADVISED. XD Anyways, enjoy reading, guys! ^____^
~~~~~~~~
SPECIAL CHAPTER 4: The Twins
NATHAN'S POV
"STOP IT, UNO AND ONE!" sigaw ko sa kambal.
Huminto sila sa ginagawa nila at tumingin sa direksyon ko. "Are you mad, Papa?" tanong ni Uno.
"No, I'm not."
"Why are you shouting?" tanong naman ni One.
"Por que sumisigaw, galit na agad?"
"Opo. Lalo na kapag ikaw ang sumisigaw samin," walang gatol na sagot ni Uno.
"Hehehehe! Sumasagot ka na ngayon, ah?" sarkastikong pahayag ko bago ginulo ang buhok niya.
"Kasi po nagtatanong kayo."
Ang ngisi ko ay napalitan ng ngiwi nang balingan ko ng tingin ang kakambal ni Uno. Minsan napapaisip ako kung kay Mine ba talaga nagmana si One o kay bayaw. Lakas din kasing mambara at sumagot ng sarkastiko ang batang yan. Medyo maayos-ayos pa namang sumagot si Uno. Minsan nga lang.
To think na 3 years old lang sila, pero kung makasagot at makapagsalita, diretsong-diretso na. Well, di ko naman sila masisisi. Inborn na ang katalinuhan nila dahil sa genes ni Mine. At mas lalong hindi ko sila masisisi kung inborn na rin ang KAGWAPUHAN NILA DAHIL SA GENES KO. Oo. Capslock para damang-dama nyo ang kagwapuhan ko. Bwahahaha!
Naputol ang pagmumuni-muni ko at napapikit na lang nang barilin ako ng water gun sa mukha ng kambal namin ni Mine. At pagmulat ko, ngiting-ngiti sila sakin. "I said, STOP IT," mahinahon, pero mariing pagsaway ko sa kanila.
They just giggled, bago binitawan na ang water gun na hawak nila. Makukulit sila, pero alam naman nila kung kelan titigil kapag sinasaway ko na. Kumuha ako ng towel at pinunasan ang mukha ko, bago lumapit sa kambal.
"Pwede bang mag-behave kayo habang wala ang Mama nyo?" sabi ko habang tinutuyo ang buhok ni One.
BINABASA MO ANG
ABMMN1: After Marriage ✅
HumorALWAYS BE MY MISS NUMBER 1 SPECIAL CHAPTERS (MGA EKSENA AT BUHAY-MAG-ASAWA NINA NATHAN AT MILES BEFORE THE EPILOGUE IN ABMMN1 BOOK 2)