SPECIAL CHAPTER 2.2: Ang Paglilihi (PART 2)

22.3K 450 43
                                    

A/N: Dedicated kay JeannaMayeCunanan! Maraming-maraming salamat sa pagmarathon mo ng MN1IMH, ABMMN1 at BO Story for 2 days. At hinding-hindi ko rin makakalimutan ang magagandang sinabi mo about my stories. Hahaha! I really appreciate it. Thanks thanks! :) 

This is Part 2! And another pov of THE MIGHTY CONCEITED, BUT GORGEOUS ERROL NATHANIEL MONTECAZTRES! Mas komportable kasi akong isulat ang kayabangan at kalokohan niya. Wahahaha! And besides, ayokong isulat ang nararamdamang paglilihi ni Miles. Why? DAHIL HINDI KO HO ALAM ANG PAKIRAMDAM NG NAGLILIHI. XD PERO ANG TOTOO KO TALAGANG DAHILAN AY GUSTO KONG PAHIRAPAN SI NATE. WAHAHAHA! XD

 

SO, DID YOU MISS BLUE ORIONS? YUNG SAKSAKAN RIN NG KAYABANGAN AT KALOKOHAN NA MGA KAIBIGAN NI NATE? WELL, NAGBABALIK SILA RITO! HOHOHO! ENJOY READING, GUYS! ^____________^

~~~~~~~~

SPECIAL CHAPTER 2.2: Ang Paglilihi (PART 2)

NATHAN'S POV

"Hmmmmm..." mahinang ungol ko. Naalimpungatan ako sa paghimas na ginagawa sakin ni Mine. As usual, DOON na naman niya ko hinihimas na talaga namang nagpapagising sakin. Apat na buwan ng buntis ang asawa ko at hanggang ngayon ay ginagawa pa rin niya yan. Pasalamat na nga lang siya at MALAKI ang pagmamahal ko sa kanya at MAHABA ang self-control ko kaya hindi ko pinapatulan ang pangangalabit at pagpaparamdam sakin ni Mine. Ang baby namin ang first priority ko ngayon at hindi ang sarili naming kaligayahan. Tsk.

Oh? Baka ibang DOON na hinihimas ang iniisip nyo diyan? Kayo,readers ha? Madaling-araw na madaling-araw, MINAMANYAK nyo na agad ako. Namiss nyo ko, ano? Bwahahaha!

Muli akong napaungol nang muling hawiin ni Mine ang buhok ko at haplusin ang ulo ko. Oh ngayon alam nyo na kung saan ako hinihimas-este hinahaplos ng asawa ko? Pareho lang naman ang meaning ng himas at haplos, diba? Well, on my my gorgeous vocabulary, pareho yun kaya wag na kayong umangal. Bwahahaha!

"Nate, gising. May gusto akong makita." Dahang-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakita ko ang nakangising mukha ni Mine. Alam na alam ko ang ganyan yang ngisi eh. I'm sure naglilihi na naman 'to. Palagi naman siyang inaatake niyan kapag ganitong madaling araw eh. Tsk.

Well, dahil buntis nga siya at naglilihi, mabuti ng sundin ang utos niya. Inaantok na umupo ako sa kama at hinubad ang pang-itaas kong damit. "Anong ginagawa mo, Nate?" salubong ang kilay na tanong ni Mine.

"May gusto kang makita, diba? Ayan na. Pinapakita ko na sayo. Pwede mo pang hawakan. But may I remind you, Mrs. Errol Nathaniel Montecaztres. Bawal muna ang more than seeing and touching. Saka na kapag nakapanganak ka na," pahayag ko. At nang akmang ibababa ko na rin yung pajama ko, naramdaman ko ang malakas niyang pangbabatok sakin. "Ouch, Mine! Why did you do that?" react ko sabay tingin sa kanya habang hinihimas-himas ang nasaktan kong ulo.

"Para magising ka. Mukhang nananaginip ka pa ng gising eh. Hindi iyang katawan mo ang gusto kong makita."

"Ikaw na nga diyan ang binibigyan ko ng pabor, choosy ka pa. Tsk. Kung hindi ang katawan ko, ano ang gusto mong makita?"

ABMMN1: After Marriage ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon