A/N: This special chapter is for you, Uno Jeng! Alam mo na kung bakit sayo nakadedicate ito, ha? Hahaha! Thank you for joining and participating on my guessing game in fb group. I hope you and other participants enjoyed the game. Hahaha! Salamat ulit! :)
This is it! Ang panganganak ni Miles sa kambal! Mwahahaha! Enjoy reading, guys! ^____^
~~~~~~~~
SPECIAL CHAPTER 3: The Delivery
NATHAN'S POV
Naalimpungatan ako sa malakas na pagyugyog sakin ni Mine. "Nate," tawag pa niya. Umungol lang ako bilang tugon at hindi nagmulat ng mga mata. Don't tell me naglilihi na naman siya at may gusto na namang kainin o di kaya ay makita? For Pete's sake, kabuwanan na niya kaya tapos na siya sa stage na yun. Tsk, bulong ko sa sarili ko.
Maawa't mahabag naman siya sakin. Aba! Ilang buwan na kong walang sapat na tulog dahil sa trabaho ko sa opisina at sa bahay. At pakiramdam ko nga, isang oras pa lang akong nakakatulog ngayon tapos iistorbohin niya ko? Kahit NAPAKAGWAPO ko, kinakailangan ko rin namang magpahinga kapag nakakaramdam ng pagod. Tsk.
"Nate, gumising ka na diyan. Sobrang sakit na ng tiyan ko. Manganganak na yata ako." Narinig kong sabi pa niya. Muli, hindi ako kumilos sa pagkakahiga.
"Mamaya na, Mine. Antok pa ko eh," nakapikit at inaantok na sambit ko sa kanya. At ilang sandali pa, napasigaw na lang ako sa sakit nang hilahin niya yung patilya ko.
"Anong mamaya pa ang pinagsasabi mo diyan? Pumutok na ang panubigan ko kaya dalhin mo na ko sa ospital! Manganganak na ko!"
Buhat sa sinabi niyang iyon, natahimik ako at agad na napamulat ng mata. Wari bang nabuhay ang lahat ng dugo ko at nawala ang sobrang antok ko. Manganganak na si Mine! masaya, but at the same time ay kinakabahang sigaw ko sa isip ko.
Dali-dali akong bumangon at inalalayan siya sa pagtayo. Binitbit ko na rin yung nakahandang gamit na dadalhin namin papuntang hospital.
At nang maisakay ko na ang asawa ko sa kotse, agad ko ng pinaandar iyon. Agad ko rin namang tinawagan si Mama para ipaalam na manganganak na si Mine.
"Manganganak na si Miles? Okay, okay. Dalhin mo siya ng maayos sa ospital," sabi ni Mama nang ibalita ko sa kanya iyon.
"We're already on our way there," sagot ko naman.
" Don't panic, okay? Kapag nagpanic ka, baka magpanic rin yang asawa mo. Relax ka lang. What should we do? Okay. Gigisingin ko ang Papa mo para makasunod kami agad sa ospital," sabi pa niya sa tonong parang hindi mapakali. Huwag daw magpanic, pero mukhang si Mama ang nagpapanic ngayon, mahinang bulong ko sa sarili ko.
Narinig ko pa sa kabilang linya ang paggising ni Mama kay Papa. "Hey, Than. Gumising ka diyan. Manganganak na yung manugang natin. Sumunod na tayo sa ospital."
BINABASA MO ANG
ABMMN1: After Marriage ✅
HumorALWAYS BE MY MISS NUMBER 1 SPECIAL CHAPTERS (MGA EKSENA AT BUHAY-MAG-ASAWA NINA NATHAN AT MILES BEFORE THE EPILOGUE IN ABMMN1 BOOK 2)